Nova Villa thanks anonymous donor to Tiya Pusit

The actress says she and Tiya Pusit’s family were happily surprised that her hospital bill has been paid by an anonymous donor.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/21/2014 10:30 AM
Nova Villa thanks anonymous donor to Tiya Pusit


102114-nova_main.jpgOne million and five hundred thousand pesos ang hospital bill na naiwan ni Tiya Pusit sa Philippine Heart Center ng mamaalam ito noong October 3 dahil sa multiple organ failure. Problemado ang pamilya ng namayapang komedyante kasama ang veteran actress na si Nova Villa kung paanio ito mababayaran.

Tumulong na rin ang mga kasamahan sa showbiz ni Tiya Pusit sa isang benefit show noong October 5 na naganap sa isang comedy bar sa Tomas Morato para mai-ambag sa kailangan na malikom na pera.

Sa media conference ng indie film na 1st Ko Si 3rd na pinagbibidahan ni Nova Villa, sinabi nito na life goes on at patuloy ang pagdadasal nila para sa kanyang kapatid. Isang milagro daw ang di nila makakalimutan ng magpunta sa ospital ang anak ni Tiya Pusit na si Christian para magbayad ng partial amount sa hospital bill. Isang anonymous person ang nag settle ng amount at binayaran ang 1.5 million.

 “Would you believe 1.5 million bayad lahat. Yeah. Sabi naming maaring si Tiya Pusit tumutulong na rin plus the prayers. Ang dami-daming prayers talaga. Kaya ang sabi ng aking pamangkin, iyung anak ni Tiya Pusit, Tita solve na po tayo, wala na po kahit singko. Hay naku talaga naman salamat, salamat sa inyong lahat. Talagang tinulungan kami ni Lord. “ 

Nagpapasalamat si Nova sa nag magandang loob at sa lahat ng kaibigan at naka trabaho ni Tiya Pusit na hanggang ngayon ay tumutulong sa mga anak nito. Si Nova naman, thankful sa revival ng kanyang career sa pelikula dahil ang indie film niyang 1st Ko SI 3rd ay invited sa 2014 Hawaii Film Festival na personal niyang pupuntahan kasama ang writer director ng pelikula na si Real Florido.

“Napakarami nangyayari meorn pa tayo abroad. Ang gating mga kababayan nagrerequest na makita at mapanood tayo doon at mapanood tayo doon so ako ay talagang natutuwa.” 

Nakaka throwback din ang pelikulang ito dahil leading man ni Nova si Freddie Webb na nakasama niya ng 13 years sa Chika Chika Chicks. Hindi daw kumukupas ang kanilang samahan mapa drama o comedy ang project.

 “Ang aming friendship ay hindi nagbago. Kung ano ang intensity noon, kung gaano kami ka sweet noong kopong kopong pa hanggang ngayon, ganun pa rin di nagbago.” 

Regular showing naman ng 1st Ko Si 3rd sa November 12.