• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee reacts to bashers of his newfound career as a producer and singer

Enchong Dee reacts to bashers of his newfound career as a producer and singer

Enchong Dee wants to make the bashers listen to his album first.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/21/2014 10:23 AM
Enchong Dee reacts to bashers of his newfound career as a producer and singer


102114-enchong_main.jpgSa ginanap na press launch para sa self-titled music album ni Enchong Dee, ibinahagi ni Enchong ang kanyang saya sa lahat. “Dream come true, sobra. From the very start sabi ko nga kanina, mas pangarap ko yung naging pagkanta kesa yung sa pagiging dancer or maging aktor and I am just so happy na nauna yung pagiging aktor saka pagiging dancer. At least pagdating ngayon sa pagiging singer mas mafofocus ko na yung sarili ko sa pagkanta.”

Ikwinento din ni Enchong kung paano nagsimula ang kanyang karera sa musika. “Right after ni Yeng (Constantino) ilabas yung Chinito, nag-sound off na ako sa Star Records na baka gusto niyo naman sagutin yung Chinito ni Yeng kasi sobrang naging malaking kanta yun ni Yeng ‘di ba? Ginamit sa Be Careful, ginamit sa Bride For Rent, ginagamit sa mga kasal. So ang sabi ko parang ang sarap sagutin, kasi nga relatable yung kanta. So sabi ko as early as January nakuha ko na yung material so sabi ko, ‘Tara gawin na natin ito,’ hanggang sa umabot na ng umabot hanggang sa na-extend nang na-extend dahil sa schedule saka kailangan kong pag-aralan… sa meeting naming tinanong na, ‘Gusto mo ba magka-album?’ Sabi ko, ‘Yes!’ Gusto ko talaga mag-album kasi yun talaga ang pangarap ko.” Sa katunayan ay number one ang kanyang kanta sa MOR 101.9 at nasa ibang hit charts sa ibang mga radio stations ang unang single ng aktor.

Isa rin sa mga bagong pinasok ni Enchong ay ang pagiging isang producer. Sa katanuyan, siya din ang producer ng kanyang album. Aniya, “Tumaas ang respeto ko saka mas naintindihan ko yung mga producer saka as an artist madalas mo kami maririnig na ‘Sana naman yung budget taasan’ or ‘Sana naman yung ganito mas may time para makaggawa kami ng mas maganda,’ pero being a producer mas naintindihan ko yung concept ng budgeting, mas naisip ko yung from choreography to location to damit, lahat tinutukan ko so sinasabi ko nga sa mga tao hindi ko akalain na ganito pala yung pinasok ko. Nakakapagod siya kasi I am 100 percent very hands on which is I am very thankful kasi wala din akong ginagawa kung ‘di ito kasi mas natutukan ko siya, mas naging anak ko siya actually eh. So in every aspect nandun ako.” 

Nagbigay din ng reaksiyon si Enchong sa ilang mga may negatibong pagtanggap sa kanyang bagong karera bilang singer. “Naeexcite ako kasi kapag katulad niyan, actually excited ako kapag may basher kasi mas maiprepresenta ko yung sarili ko sa kanila na bigyan niyo ako ng chance na pakinggan niyo ang music ko and then from then on, saka kayo mag-comment and I am just so happy na from all the tweets, very rare, siguro once or twice na parang kinukwestiyon lang na ‘Huh, kumakanta pala siya?’ That’s about it and ang ganda kasi ng first single na Chinito Problems kasi authentic siya kasi ako yung nag-partner kay Yeng na Chinito so parang there will be no other singer to reply to the song except me so mas naging smooth yung pagpasok niya kasi yuhg Chinito Problems yung sagot niya.”