• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Padilla admits break up with Aljur Abrenica is reason why she's not ready to have a new bf

Kylie Padilla admits break up with Aljur Abrenica is reason why she's not ready to have a new bf

The actress says she doesn't want to jump into a new relationship as of now.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/20/2014 2:10 PM
Kylie Padilla admits break up with Aljur Abrenica is reason why she's not ready to have a new bf


012814-Kylie_Main.jpgBida na sa pelikula ang anak ni Robin Padilla na si Kylie sa horror film ma “Dilim” ng Regal Entertainment na isinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes. Leading man ni Kylie si Rayver Cruz na sinasabing pinaka malapit na lalaki ngayon kay Kylie.

Ayaw pang lagyan ng label ni Kylie ang kanilang relasyon sa ganito kaaga na stage.

Maituturing ko siyang totoong kaibigan hindi lang showbiz friend. Para sa akin po kasi parang ang bilis. Ayoko naman po tumalon sa relasyon agad. Siguro po naghihintay sila na mag kuwento ako eh wala pa po ako mai ku-kuwento eh.”

Naiiba daw si Rayver kumpara sa ibang lalake na nakilala ni Kylie kayat sa ngayon espesyal ito sa kanya.

“Hindi ko po makita ang ego niya. Usually po di ba ang lalake ang ego malaki sa kanya wala, breath of fresh air. Marunong siya making, kasi ang babae madaldal tapos minsan nakakatamad ng makinig tapos siya mayroong patience.”

Ang kanyang kontrobersyal na break up sa ex-BF na si Aljur Abrenica ang malaki rin na factor kung bakit hindi pa ready makipag relasyon muli si Kylie.

“Hindi po kasi nagging maganda ang paghihiwalay kaya binibigyan ko pa ng time. Marami po kasing phases eh. Kung gusto ko pa balikan hindi na pero may mga bagay na hindi ko pa maintindihan kaya kailangan ko pa ng time.”

Nagbigay advise din si Kylie para kay Aljur sa pinagdadaanan nito ngayon.

“Gawin na lang niya ang sa tingin niyang tama hindi lang sa isang side kundi both sides kasi baka masyadong napi feed ang mga nega kaya dapat bith sides and open his eyes to the whole thing.”

Maayos na rin daw sila ni Louise Delos Reyes at wala na daw dapat bigyan ng kulay kung ano man ang naging issue sa kanila noon.

“Okay na po kami ni Louise pero hindi ko masasabing we are close friends and nag sorry na siya sa akin. Ayoko na rin isipin at nakaka bigat lang ang mga ganyan lagi po kami nagkikita kaya dapat hindi na ini entertain ang mga ganyan.”

Nagpapasalamat si Kylie sa magagandang blessings na dumarating sa kanya at sana gaya ng kanyang career maging maayos na rin ang personal niyang buhay na nagsisimula ng mangyari ngayon.