• Home
  • Fresh Scoops
  • Directors Lore Reyes and Peque Gallaga on Judy Ann Santos: 'She's amazing'

Directors Lore Reyes and Peque Gallaga on Judy Ann Santos: 'She's amazing'

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/20/2014 2:05 PM
Directors Lore Reyes and Peque Gallaga on Judy Ann Santos: 'She's amazing'


102014-judy_main.jpgHindi nakarating si Judy Ann Santos sa presscon ng Sineng Pambansa Horror Plus festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) held last Wednesday dahil na-confine daw ito sa hospital ayon sa kuwento ng direktor ng pelikula nyangT’yanak na sina Lore Reyes at Peque Gallaga.
 
“Nag-usap pa kami ni Judy Ann kung ano ang gagawin sa presson. Balak sana naming magdala ng mga t'yanak dolls, pang-selfie sana, kaya lang di na niya kinaya,” kuwento ni Direk Lore.
 
Bagama’t wala sa presscon, hindi naitago ni Direk Peque ang paghanga kay Judy Ann na first time palang niyang nakatrabaho.
 
Ako, I worked with all the A-listers, si Judy Ann lang ang hindi pa. She’s amazing. We didn’t expect na ganu’n kalakas at kagaling lalo na sa mga crying scenes niya. Kahit kami, napapaiyak."
 
“It’s just like you’re watching in theater, na live siyang (Judy Ann) nang libre. She’s really amazing. Ang galing niya,” papuri pa ng dalawang beteranong direktor kay Juday.
 
Ipinagpapasalamat din ng Lore-Peque tandem na pumayag si Juday na tanggapin ang remake ng T’yanak.

“Of course, we’re very thankful na pumayag si Judy Ann na gawin ang T’yanak. Napakaliit ng buget ng pelikula, pero hindi ‘yon naging problema sa kanya. Marami ring cast sa movie ang nag-volunteer para mag-guest."
 
“Sina Janice (de Belen) at Lotlot (de Leon) na nasa original cast ng Tiyanak movie namin ay nakuha din namin dito sa movie. May cameo role sila dito pero hindi na lang namin ikukuwento kong ano ‘yon. Basta nakakapangilabot yung presence nila sa movie,”  kuwento pa nila.
 
Eight days lang syinuting ang bagong version ng T’yanak at ayaw itong ikumpara nina Direk Loreat Direk Peque sa naunang Tiyanak movie. 
 
Kung sumikat noon yung ‘Anak ni Janice’ referring to Tiyanak, posible ring sumikat yung ‘Anak ni Juday’ dito. 
 
The dynamic co-director duo, Peque and Lore have directed over 20 titles together, including the classic Magic Temple, and the more recent Sonata na part din ng 2013 Sineng Pambansa.
 
T’yanak, which is a remake ng kanilang 1988 horror classic is a chilling story about a seemingly innocent but mysterious infant who transforms into a hideous creature that terrorizes the lives of those in his small village.
 
Kasama rin sa pelikula sina Solenn Heussaf at Tom Rodriguez. Ipalalabas ito Mula Oct. 29 to Nov. 4 sa SM Cinemas nationwide.