• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez reveals hubby Ogie Alcasid is not really interested in politics

Regine Velasquez reveals hubby Ogie Alcasid is not really interested in politics

Regine says she is content with Ogie being the president of OPM.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/19/2014 8:58 PM
Regine Velasquez reveals hubby Ogie Alcasid is not really interested in politics


101914-regine_main.jpgDahil sa magandang track record ng Songwriter na si Ogie Alcasid bilang President ng Organinsasyon ng Pilipinong Mang Aawit o mas kilala bilang OPM, kino consider daw ngayon si Ogie na maging chairman ng Optical Media Board o ng OMB na pinamunuan na noon ng mga celebrities gaya nia Ronnie Ricketts, Bong Revilla at Edu Manzano.

Naitanong natin ito sa misis ni Ogie kung papayag ba siya na kumuha pa ng isang posisyon ang mister niya pero mukhang ayaw na ni Regine ang dagdag na trabaho para sa Mister.

“Sabi ko ayoko, okay na siya doon where he is, actually iyung politics I’ve already asked him many times and he said that he is really not interested but I said to him if ever he decides to run for anything I will support him it doesn’t necessarily mean na I am for it”

Bilang isang nanay sa kanyang anak na si Nathaniel na mas kilala sa showbiz at social media na “Baby Nate”, madalas itong mapanood sa mga video post ni Regine na kumakanta at may hawak na musical instrument. Hudyat na ba ito na ditto na papunta ang panganay ni Songbird dahil may pinagmanahan?

Kung ako ayoko sana gusto ko sana na makatapos siya ng pag aaral but then hindi mo naman iyun mapipigilan dahil nasa dugo niya iyun eh but then dahil dalawa kaming nandito na, iyun ang pinaka ayaw namin sana na pasukin niya but then ang hirap naman siya pigilan. Basta ako whatever what he wants to do we will support it. Mahilig siya sa music but he is too young for me to say na iyun na ang gusto niya gawin

Busy ngayon si Regine bilang main host ng bagong talent search ng kanyang network.