Naitanong natin ito sa misis ni Ogie kung papayag ba siya na kumuha pa ng isang posisyon ang mister niya pero mukhang ayaw na ni Regine ang dagdag na trabaho para sa Mister.
“Sabi ko ayoko, okay na siya doon where he is, actually iyung politics I’ve already asked him many times and he said that he is really not interested but I said to him if ever he decides to run for anything I will support him it doesn’t necessarily mean na I am for it”
Bilang isang nanay sa kanyang anak na si Nathaniel na mas kilala sa showbiz at social media na “Baby Nate”, madalas itong mapanood sa mga video post ni Regine na kumakanta at may hawak na musical instrument. Hudyat na ba ito na ditto na papunta ang panganay ni Songbird dahil may pinagmanahan?
“Kung ako ayoko sana gusto ko sana na makatapos siya ng pag aaral but then hindi mo naman iyun mapipigilan dahil nasa dugo niya iyun eh but then dahil dalawa kaming nandito na, iyun ang pinaka ayaw namin sana na pasukin niya but then ang hirap naman siya pigilan. Basta ako whatever what he wants to do we will support it. Mahilig siya sa music but he is too young for me to say na iyun na ang gusto niya gawin”
Busy ngayon si Regine bilang main host ng bagong talent search ng kanyang network.