As he gears up for the upcoming Icon concert on November 21 at the Araneta Coliseum with Yeng Constantino and Rico Blanco, Gloc 9 said it is an easy collaboration. “Sobrang meticuloso nilang dalawa. Kasi nakasama ko si Rico sa kanta, nakasama ko din si Yeng sa kanta, ang pagkakaiba lang nila babae si Yeng at lalake si Rico pero parehong pareho sila. Very particular sila sa craft nila and puwedeng sabihin na ganun din ako. Ganun din ako ka-seryoso. Ako yung tipo ng tao na hindi makakatulog kung alam ko na meron akong naiwanan or hindi ko nagawang tama sa studio. Kasi ito yung trabaho ko, kung hindi ko pagbubutihan yun medyo mali yata yung napasukan ko. Pero si Rico at si Yeng sobrang galing na artist yan. Isa ding reason kung bakit ako pumayag sa concert na ito ay dahil ako ay fan nilang dalawa,” he explained.
The veteran rapper admitted his biggest inspiration will always be Francis Magalona. “Yung foundation ko is Francis M. dahil nung nag-decide ako na gusto ko maging rapper, si Francis M. talaga yung naging foundation ko and how I write and how I construct mylines galing talaga sa kanya. Nakinig ako nung Eminem, nakakuha ako ng inspiration sa kanila, sa ibang artists din like Jay-Z, Kanye West. Pero kung huhukayin niyo po si Gloc 9 eh Francis M. ang makikita niyo sigurado,” he shared.
The 36-year-old artist also gave some advice to other aspiring Pinoy rappers. “Ang lagi ko lang namang advice sa kahit na sino pong tao regardless kung ano yung gusto nilang ma-achieve, wala pong imposible. Lahat ng pagtratrabahuan mo and kung ang isang bagay ay talagang totoo mong mahal, kung ang foundation mo ay love, parang wala atang reason para magkamali. So kung talagang totoo ang pagmamahal mo sa trabaho and you feel that you have something to offer, regardless kung gaano katagal, kung ikaw ang nanggaling sa baba, mas maganda kasi wala kang ibang direction na pupuntahan kundi pataas,” he added.
When he is not busy performing or writing songs, Gloc 9 said he enjoys listening to other forms of music. “Mahilig ako makinig ng rock. Pag minsan pag nag-se-senti ako nakikinig din ako sa love songs,” he said.
The rapper admitted he is just like any normal guy outside the music studio. “Yung interests ko sobrang basic lang. Gusto kong manuod ng sine, gusto kong kumain with my family. I go biking din for exercise. Wala pong very special na bagay and lagi kong sinasabi na kung ano ako as Gloc 9 yun din ako as ako, as Aris,” he said.