• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado reveals she will be attending Patrick Garcia and Nikka Martinez's wedding

Jennylyn Mercado reveals she will be attending Patrick Garcia and Nikka Martinez's wedding

Jennylyn says she's really happy for her son's father.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/18/2014 1:58 PM
Jennylyn Mercado reveals she will be attending Patrick Garcia and Nikka Martinez's wedding


101814-jennylyn_main.jpgWalang lovelife ngayon si Jennylyn Mercado. Pagkatapos ng mga past relationships niya with Patrick Garcia, Luis Manzano and Dennis Trillo, hindi na ulit siya nag-entertain ng suitors.

Itinanggi rin ng singer-actress na nagkakamabutihan sila ngayon ni Derek Ramsay, kapareha niya sa MMFF entry ng Quantum Films na English Only, Please.

“Sorry ha, boring ang lovelife ko ngayon, pasensiya na,” bungad ni Jennylyn nang makausap ng press kamakailan lang sa launching ng bago niyang album na Never Alone na naglalaman ng 11 tracks.

Paborito ngayon ni Jennylyn ang isa sa kanta sa kanyang album na “Kaya Ko Na,” ang title na sinulat ni Vehnee Saturdo. Nakaka-relate daw siya sa kanta dahil sa pinagdadaanan niya ngayon.

“Kasi kaya ko na lahat ngayon puwera ang magmahal muli,” hirit pa niya.

Pero bakit may isyung nagkabalikan na sila ni Dennis?

“May duet lang kami ni Dennis sa album ko, pero walang balikang naganap. Friends lang talaga kami nu’ng tao. Sa ngayon po kasi ay sa iba naka-focus ang atensyon ko... Sa trabaho ko, sa pamilya ko.”

May naging pahayag din si Jennylyn tungkol sa naging relasyon nila noon ni Luis.

“Isang taon na rin halos ‘yon after naming maghiwalay... At ngayon, totally healed na ako.” After Luis, ayaw daw muna niyang pumasok sa isang relasyon.

Masaya rin si Jennylyn na finally ay ikakasal na ang ex-boyfriend na si Patrick Garcia kay Nikka Martinez.

“Excited ako sa kasal ni Patrick dahil ring-bearer si Jazz (anak nila ni Patrick). Lagi kaming nagkakausap nina Pat at lalung-lalo na si Niks. Kasama ako sa wedding. Happy ako doon.”

Ibig sabihin, pupunta siya sa kasal ni Patrick?

“Dapat makita ko yung celebration na ‘yon. Siyempre, tatay ni Jazz yon. Part siya ng buhay ko, so, kailangan kong ma-witness yon,” pagkukumpirma pa niya.

Bukod sa “Kaya Ko Na” nasa Never Alone album din ni Jennylyn ang mga kantang “Never Gonna Let You Go” (duet with Janno Gibbs), “After All” (duet with Dennis Trillo), “Abot Langit,” “Basta Nandito Ka,” “We Don’t Belong,” “Sana,” “Till  My Heartaches Ends” at marami pang iba.

photo credit: @mercadojenny on Instagram