• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos naninibago sa pagpapakita ng katawan sa "Two Wives"

Jason Abalos naninibago sa pagpapakita ng katawan sa "Two Wives"

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

10/18/2014 11:13 PM
Jason Abalos naninibago sa pagpapakita ng katawan sa


101814-darla_main.jpgUsap-usapan ngayon, hindi lang ang takbo ng kwento at husay ng pagganap ng cast, sa pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN na “Two Wives,” kundi maging ang gabi-gabing pagpapakita ng katawan ng lead actor dito na si Jason Abalos.

Maging si Vice Ganda ay napansin ang eksena gabi-gabi, kung saan mapapanood na naka-boxers lamang si Jason. Si Kaye Abad din ay sinagot minsan ang aking tweet na hindi kumpleto ang episode kung hindi magba-boxers si Jason. Sabi pa ni Kaye, ang ganitong eksena at suot ni Jason ay parang OBB at CBB na ng Two Wives, hindi mawawala hehehe. 

Tinext ko agad si Jason para itanong kung aware siyang pinag-uusapan siya ngayon ng mga girls and bekies. “Nakakapanibago ang role ko sa Two Wives kasi di ako sanay na lagi nakahubad. Nung una hindi talaga ako comfortable pero natutuwa naman ako that people don’t see it in a way na nakakabastos,” sabi ng aktor.

Diretso ko na ring sinabi sa kanya na isa siya sa mga bumubuhay sa katawang lupa ngayon, ng mga manunuod – lalo na sa mga girls and girls at heart. 

Hindi naman po siguro. Hindi naman maganda katawan ko baka natutuwa lang sila kasi nadadala ko sa acting, feeling macho kasi si Victor hahaha,” humble na sagot ni Jason.

Pero on a serious note, mapapansin niyo naman siguro ang pagsuporta ko sa serye. Kasi personally, hanga talaga ako sa husay sa pag-arte ng mga bida. Ang saya lang kasi nabigyan sila ng ganito kalaking break, lalo na si Kaye. Si Erich Gonzales naman, matagal na rin nating napatunayan ang galing, ngayon pa nga lang, lahat naiinis na sa kalandian ni Janine – her character in Two Wives. Proof lang na effective talaga ang pagganap nilang tatlo, plus Melai Cantiveros, na aminin nating lahat, na-miss natin. 

Marami pa tayong aabangan sa seryeng ito, isa na dyan ang pagpasok din sa cast ng real-life boyfriend ni Kaye na si Paul Jake Castillo.