• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales admits she’s still uncomfortable doing love scenes

Erich Gonzales admits she’s still uncomfortable doing love scenes

Erich Gonzales says doing love scenes involves a lot of trust in your co-star and your director.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/18/2014 9:36 AM
Erich Gonzales admits she’s still uncomfortable doing love scenes


101814-erich_main.jpgMatagumpay ang unang linggo ng Two Wives, hindi lang dahil sa usap-usapan sa social media ang mga maiinit na eksena, kung ‘di maging sa ratings. Nakausap ng Push si Erich Gonzales at inamin din ng aktres na ngayon lang siya nakaganap ng ganitong klaseng karakter, si Janine na umakit at nagtukso sa karakter ni Jason Abalos na si Victor na tuluyang ikinasira ng pamilya nila ni Yvonne [Kaye Abad].

Bilang isang tila kontrabida sa istorya, ngayon lang napanood si Erich sa ganitong pag-ganap at sinabi ng aktres na ito mismo ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang karakter. “Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit ko ito tinanggap. Isa siyang challenge for me kasi yun nga po first time ko din na gumawa ng ganitong klaseng role so siyempre bilang artista ayaw naman natin na maging de-kahon lang tayo. Gusto natin ng variations, gusto natin malaman kung hanggang saan yung limit natin, hindi yung dito ka lang, paulit-ulit yung roles mo, yung characters mo, iba naman.” 

At alam din ni Erich na magiging kontrobersyal ang kanyang karakter. “Bago pa naman kami magsimula magtaping pinakilala na yung character ko. Inexplain na sa akin yung magiging character ni Janine at malinaw naman sa akin kung saan po pupunta yung journey niya at may mga nagsasabi na controversial yung role ko as Janine. Siyempre hindi ko naman po yun maibibigay yung hinihingi ng characterization sa role ko kung hindi din dahil sa tulong ng direktor ko, sa tulong ni FM Reyes. Masaya lang ako dahil katrabaho ko, he is very passionate yung direktor ko at yung creative team din so yun masaya.” 

Kwinento din ni Erich na napanood niya ang Korean version ng kanilang serye. “Napanood ko po siya dati pero hindi yung tutok na tutok pero kahit na remake ito, siyempre ginawa natin itong Pinoy na Pinoy para mas maraming lessons na makuha sa show.” 

Natanong din si Erich kung bakit, sa palagay niya, kapag kwento ng pagtataksil o pangangaliwa tila kagat na kagat ang mga manonood sa ganitong klaseng tema/ “Ang opinyon ko po diyan kasi itong Two Wives hindi naman po siya ginawa para gayahin ng mga lalaki para magkaroon sila ng two wives, kungdi para bigyan ng lessons. Kasi yung mga characters naman namin dito pinepresent namin, nangyayari naman siya sa totoong buhay at more than the infidelity, this is about family, love, about children and kung paano po natin malalagpasan yung mga pagsubok na dumarating sa buhay natin so yun po yun. There is more than the infidelity na sinasabi dun sa Two Wives, maraming lessons.”

At sa katatapos na love scene nila ni Victor na ginagampanan ni Jason Abalos, aminado pa rin si Erich na naiilang siya sa ganitong klaseng mga eksena. “Siyempre nakakailang din. Hindi mo naman boyfriend o partner yung ka-eksena mo ‘di ba pero siyempre ibibigay mo yung trust mo sa direktor mo, sa ka-eksena mo na hindi ka naman babastusin o lalabas na bastos, tiwala lang po.”