• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes dismisses Feng Shui expert's advice that his wedding day is 'unlucky'

Dingdong Dantes dismisses Feng Shui expert's advice that his wedding day is 'unlucky'

The actor says the preparations for his and Marian Rivera's wedding are smooth-sailing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/18/2014 2:04 PM
Dingdong Dantes dismisses Feng Shui expert's advice that his wedding day is 'unlucky'


101814-dongyan_main.jpg“Royal wedding” ang naging tawag sa nalalapit na kasal ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa sunod sunod na wedding proposals na naganap ngayon sa pagitan ng maraming showbiz couples, isa sa pinaka aabangan ang exchange of vows ni Marian at Dingdong na magaganap sa December 30 sa isang simbahan sa QC.

Pero isang celebrity Feng Shui expert ang nag comment na unlucky daw daw para kay Marian ang wedding date na napili nila. Year of the Rat daw kasi si Marian na mortal enemy ng Horse na siyang animal sign ngayong taon, at ang December 30 ang pinaka unlucky day para sa mga ipinanganak sa Year of the Rat. Recommendation ng Feng shui expert na magkaroon ng isa pang seremonya bago ang big wedding day sa December 30.

Dito nagbigay ng kanyang reaksyon si Dingdong.

“Before may mga sumunod din kami sa mga ganyan pamahiin sinubukan rin namin pero ang pinaka mahalaga naman kasi ang commitment mo sa Panginoon kahit anong petsa pa yan eh di ba? At ang toong buhay naman mamgyayari pa after that day so everything kung ano man ang mangyari sa relationship nyo will be defined after that day so kailangan talaga mas double time double effort at saka tulungan lang talaga eh hindi lang naman one way yan.”

At dahil papalapit na ang araw ng pag marcha nila sa altar, nagsimula na rin ng kanyang countdown si Dingdong.

“Parang more or less a little more than 70 days to go so very excited eh yun ang nararamdaman ko eh although may mga bagay pa rin na hindi pa tapos pero slowly nagiging malinaw na ang mangyayari sa araw na yun.”

Sa dami nga naman ng nagging kaibigan sa showbiz nina Marian at Dingdong, marami ang gusto maging bahagi ng kasalan nila. Nag volunteer ang maraming local designers para gawin ang gown at tux ni Dingdong ng libre, wedding cakes, reception area, hanggang sa souvenir items willing na ibigay sa kanila ng libre. Pero say ni Dingdong, hindi siya ang nagde desisyon sa mga ganitong detalye.

“Very greatful po kami dahil most likely sila po ang mga naka trabaho naming in the past and mga kaibigan naming sila talaga at importante ang pagkaka ibigan namin syempre what I said lahat ng iyan siya magde-desisyon pagdating sa mga bagay na yan.”

Smooth sailing daw ang paghahanda sa kasalan. Marami pa daw kulang pero maaayos naman ang lahat.

“So far wala kami pinagtatalunan sa araw na yun basta ang araw na yun ay para sa kanya its all about her so whatever she wants whatever will make her happy and  feel more special eh syempre gagawin natin yan” 

Inaayos na rin daw ang lugar kung saan ipapatayo ni Dingdong ang mansion nila ni Marian. Within Metro manila lang daw ito at ito ang una niyang assignment bilang future husband ni Marian.