Aktres, may mystery "business" abroad?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/18/2014 2:37 PM
Aktres, may mystery


101814-ogie_main.jpg

Hindi kaya crab mentality ang pinaiiral ng nagtsika sa akin nu'ng sabihin niya sa akin, "O, alam mo bang nagpa-house blessing na si _____?"

Sabi ko naman, "O, di bongga!  At least, may kinapupuntahan ang kanyang mga kinikita sa pag-aartista."

"Pero, Mama Ogs,  ang bahay niya ay worth P30M plus!"

"Eh, di mas bongga!"

"Hindi mo ko na-gets, Mama Ogs! Ibig kong sabihin, ano lang ba ang show niya para magkaroon siya ng gano'n kabonggang bahay?"

"Juice ko naman, malay mo naman, may iba pa siyang business kung hindi man siya napagkikikita sa TV ngayon."

"Like what?"

"Eh, hindi naman sa pagkakaroon ng crab mentality.  Napag-uusapan lang kung saan galing, 'di ba?  'Yun bang meron ka nang bonggaderang house, pero ang latest, nagtatanong-tanong pa siya sa mga kaibigan kung gaano kaganda 'yung dalawang luxury cars na gusto niyang bilhin, laban ka?"

"O, eh kung may pera naman siya talaga, eh.  Ano'ng pakialam natin?"

"Wala nga tayong pakialam, pero ang huling tsikang narinig ko,  may ine-entertain siyang mayayamang businessmen.  At 'yon ay take note--hindi niya dito sa Pinas ine-entertain, kung 'di sa ibang bansa."

"Ano'ng pruweba?"

"Eh, di tingnan mo ang passport niya kung saan-saan na siya galing!"

"So kung marami nang tatak 'yung passport niya, ibig sabihin, pumatol na siya sa mga matatanda?  Hindi ba puwedeng isipin muna natin na inipon niya 'yon at trip lang niya laging magbakasyon abroad?  Lalo na ngayong andami-daming promo sa mga airlines, di ba?  Hindi ba puwedeng ginrab lang niya 'yung mga promo?"

"Eh, ikaw, Mama Ogs.  Bahala ka.  Maghintay ka na lang,  matsitsismis uli 'yan, dahil may iba na naman siyang kasama abroad.  At hintayin mo kung ano na namang property ang bibilhin niya!"

"Gano'n ba?  Basta ako, ayokong isiping gano'n nga.  Dahil 'yung mukha naman niya ay maamo,  parang hindi gagawa ng negosyong katawan niya ang puhunan."

Anyway, hindi ko naman sinasabing totoo ito, ha?  Kaya magbibigay na lang ako ng 5 letters at 'yung dalawa doon ay initials niya, kung siya man ito:  Here we go.... G-M-E-J-K