• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz on Kylie Padilla: ‘Kinikilig din ako sa kanya’

Rayver Cruz on Kylie Padilla: ‘Kinikilig din ako sa kanya’

Rayver Cruz admits he has chemistry with Kylie Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/17/2014 11:48 PM
Rayver Cruz on Kylie Padilla: ‘Kinikilig din ako sa kanya’


101814-rayver_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni Rayver Cruz na kinikilig din siya kay Kylie Padilla dahil “may chemistry talaga kami.” Ngunit, kwento ng host na si Kris Aquino, sinabi rin diumano ni Rayver na bagama’t may feeling sila ni Kylie para sa isa’t isa ay “pareho tayong may pino-prove dito.” Kung kaya raw mas makakabuti kung focus muna sila sa mga careers nila. Dinugtong pa raw ni Rayver na ang maganda ay “they inspire each other.”

Nang tanungin si Rayver kung magugustuhan kaya siya ng ama ni Kylie na si Robin Padilla? Sagot ni Rayver ay, ang alam niya ay gusto naman siya ni Robin, dahil diumano “parang nabanggit ito ni Robin sa isang press conference.”

Ayon naman sa Queen of All Media na si Kris, ang last relationship ni Kylie ay with Aljur Abrenica at tumagal ito ng three years. Si Rayver naman inamin niya na last relationship niya si Cristine Reyes at two years na silang naghiwalay.

Inamin din ni Rayver na lumalabas naman siya at nakikipag-date pero “hindi pa siguro dumadating ang tama para sa akin.” Si Kylie na nga kaya ang tama para kay Rayver? Ayon kay Rayver, “napakaganda niya (Kylie) sobra.”