• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Madrigal waited 10 years to have her first launching movie

Michelle Madrigal waited 10 years to have her first launching movie

The former Star Circle Quest member reveals she had a breast exposure in horror film “Bacao.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2014 10:05 AM
Michelle Madrigal waited 10 years to have her first launching movie


101714-michelle_main.jpgSumabak na rin sa pagta-topless si Michelle Madrigal sa kanyang kauna unahang indie film titled Bacao na kasali sa Horror Plus Festival ng Sineng Pambansa produced by Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ipalalabas  from Oct. 29 to Nov. 4 sa SM Cinemas nationwide.

“Pinaka-daring ko talaga itong Bacao at hindi ako nagdalawang isip na gawin ito dahil after kong mabasa ‘yung script, na-in-love ako agad sa project,” simulang pahayag ni Michelle.

Naikuwento rin ng aktres na isa sa dahilan kung bakit niya rin tinanggap ang pelikula ay dahil si Edgardo “Boy” Vinarao ang magdidirek nito.

“Ipinahanap pa ako ni Direk Boy kahit hindi naman niya ako kilala at para sa akin napakalaking bagay non. Hindi lahat nabibigyan ng ganu’ng chance di ba?

“Lahat ng sinabi ko na, ‘Direk, hindi ko gagawin ito... na dapat walang frontal... Nagkasundo naman kami. Maganda yung experience ko sa kanya. At siguro, ito na talaga yung perfect project na hinihintay ko,” masaya niyang pahayag.

“May offer na ako dati na mga indie films, may breast exposures din, kaya lang, di ko pa talaga kaya noon. Dito kasi sa Bacao, kailangan talaga yung love scene namin ni Arnold (Reyes) kasi mag-asawa kami and we’re trying to make a baby...

“Six years na kaming kasal dito tapos wala pang baby... Then lumapit ako sa isang albularyo, si Tito Leo (Martinez), tapos he tried to rape me,” kuwento pa ng dalaga.

Gaano ba siya ka-daring sa Bacao?

“Topless talaga ako dito, dalawang beses, pero side view lang, walang frontal. Pinapakita sa akin ni Direk Boy yung mga nakunang eksena after the take para alam ko... Hindi naman bastos ang pagkakagawa. Yung mga love scene namin ni Arnold, huli na niyang kinunan para kumportable na kami,” kuwento pa ng aktres.

Ten years na sa showbiz si Michelle at para sa kanya worth the wait ang Bacao bilang launching movie niya.

“Ayoko naman na basta na lang ako maghuhubad tapos wala na... Di lang naman siya all out na sexy, love story din siya at na-highlight din ang acting ko dito,” pagmamalaki pa niya.

Michelle admits na hindi niya alam kung paano magre-react ang daddy niya sa ginawa niya sa pelikulang Bacao, pero proud din daw siyang ipapanood ito sa daddy niya.

Na-share din niya sa amin na hindi niya naiwasang mapaiyak sa nang mapanood ang love scene sa pelikula. “Oh my God, ginawa ko talaga yon? Pero I’m very happy din naman and proud sa ginawa namin,” huling pahayag pa ni Michelle.