• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos speaks up on finally landing a lead role in ‘Two Wives’

Jason Abalos speaks up on finally landing a lead role in ‘Two Wives’

Jason Abalos considers his role in ‘Two Wives’ a reward for doing supporting roles.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/17/2014 9:49 AM
Jason Abalos speaks up on finally landing a lead role in ‘Two Wives’


101714-jason_main.jpgMainit ang pagtanggap ng mga manonood sa Pinoy adaptation ng Koreanserye na Two Wives sa Primetime Bida. Hindi lang naging usap-usapan sa social media ang serye, kungdi maging sa ratings nito ay nakikita ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa istorya nina Janine Arguello [Erich Gonzales], Victor Guevarra [Jason Abalos] at ni Yvonne [Kaye Abad]. 

Kaya naman ang isa sa mga bida nito na si Jason ay masaya sa suporta ng mga manonood sa kanilang programa. “Siyempre nakakatuwa kasi inaasahan naman namin na maganda talaga yung Two Wives pero hindi namin inaasahan na magiging ganun yung pagtanggap ng mga tao.”

Maging ang mga eksena ni Jason na madalas ay walang pang-itaas na damit at ipinapakita ang kanyang magandang katawan ay isa na rin sa mga inaabangan ng mga manonood sa serye ngunit ipinaliwanag ni Jason na pinaggayahan lang din ito sa totoong mga itsura ng mga kalalakihan lalo na sa probinsya. “Kasi tinulad naming sa mga tatay sa probinsya ‘di ba? Ako nakaexperience ako na yung mga kapitbahay namin lalabas ng bahay naka-brief lang, yung mga tatay-tatay na ganun. Hindi ko inisip na ganun ang kakalabasan sa mga tao.

At ngayong kasama sa mga inaabangan sa serye ang magandang pangangatawan ni Jason, natanong ang actor kung mas pusupusan ba siya sa pag-aasikaso sa kanyang katawan. “Nagtaka nga ako kasi mas payat nga ako ngayon kesa nung Maria Mercedes, noon mas malaki ako nun, dun ako bumabad ng paggi-gym. Ngayon medyo mas payat ako eh, mas maganda sa TV ang mas payat, mas widescreen na ngayon so maintain na lang.
101714-jason_main.jpgKung matatandaan, ang karakter na kanyang ginagampanan sa Korean version nito ay kinainisan at kinagalitan ng ilang mga manonood at inamin ni Jason na may naririnig nga siyang ganitong mga reaksiyon. Kaya naman sa nakasanayang siya ng bidang laging kinakampihan ng mga manonood, kinukundisyon niya na ba ang kanyang sarili na makatanggap naman ng mga hindi magagandang reaksiyon? “Hindi ko pa alam eh, kapag andun na lang siguro.

Napapanood na ngayon ang simula ng pagtitinginan nina Victor at Janine, at Huwebes ng gabi ng ipalabas ang kanilang unang halikan. Kwento ni Jason sa eksena nilang iyon ni Erich, “Mabilis lang yun. Ano kasi yun eh, medyo may wine tapos medyo nakainum si Janine tapos siyempre longing siya sa ganitong bagay.” At kung sa ganitong eksena ay may ilangan pa ba silang dalawa ni Erich, “Wala naman kasi sabay kami sa SCQ [Star Circle Quest Season 2] kaya nagkakaintindihan na kami na trabaho lang ito.”

Hindi maikakaila ang galing ni Jason Abalos pagdating sa pag-arte, ngunit nasanay ang ilan na napapanood siyang suporta sa mga bidang karakter sa mga serye. Ngunit ngayong siya ang nag-iisang bidang lalaki sa matagumpay na serye na Two Wives, natanong siya ng Push kung nakaramdam ba siya ng pagkainip sa pagkakataong panahon na para siya naman ang maging bida. “Hindi naman, hindi naman siguro. Inihanda lang ako kumbaga, mas inihanda lang ako para isabak sa mga mas mabigat na role or para hindi naman na kapag binigyan ako ng ganitong proyekto hindi ako handa. Feeling ko inihanda lang ako.” 

Ikwinento ni Jason na kinailangan niyang mag-audition para gampanan ang karakter ni Victor. “Oo, hindi ganun kasi nung nandun ako marami akong kasamang nag-audition eh.” Itinuturing ni Jason na isa sa mga biggest break ito sa kanyang career. At sa magagandang puri na kanyang natatanggap, tila isang regalo ito para sa kanya sa tagal din ng knayang nahintay na mabigyan ng ganitong klaseng pagkakataon.  “Pwede ring sabihing reward pwede ding sabihin na nagkataon lang kasi nag-audition ako para sa role na ito. Siguro ako lang din yung nakita nila na babagay sa role na ito para sa Victor. Nag-audition ako.”