Lyca Gairanod on new home: Di na po kami matutulog sa sahig

Voice Kids' champ says her family has no worries now when it rains.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/16/2014 9:40 AM
Lyca Gairanod on new home: Di na po kami matutulog sa sahig


101614-lyca_main.jpgBakas ang mga ngiti sa mukha ni Lyca Gairanod at ng kanyang pamilya habang nagaganap ang seremonyas ng house blessing para sab ago nilang bahay sa General Trias, Cavite.

Ito ang bahagi ng premyo na nakuha ni Lyca bilang unang grand champion ng The Voice Kids of the Philippines.

Dalawang palapag ang bahay, iba't ibang shade of brown ang kulay sa labas at puti naman ang karamihan na kulay sa living room at sa kitchen nito. Sa itaas naman makikita ang dalawang kwarto. Kulay puti ang masters bedroom at kaharap naman nito ang pink na kwarto na tutulugan ni Lyca. Makikita na rin dito ang keyboard at guitar na musical instruments na libangan ni Lyca.

Nakangiti si Lyca sa ating interview pagkatapos ng blessing ng bahay nila.
 
"Sobrang saya ko po kasi matagal na naming pangarap na magkaroon ng ganito klase ng bahay ngayon po mayroon na kami. Hindi na po kami kakabahan kapag bumabagyo dati po kasi nag evacuate kami kapag bumabagyo kasi malakas ang alon."
 
Ang nanay naman ni Lyca na si Maria Nessel Gairanod naging emotional at napaiyak sa okasyong ito.
 
"Hindi na po kami matutulog sa sahig at makikitulog sa ibang lugar kapag malakas ang alon. Ganyan po kasi sitwasyon namin noon, isa po to sa pangarap ni Lyca na magkabahay natupad na po salamat po sa lahat."
 
Isang salo salo rin ang naganap sa club house ng subdivision matapos ang house blessing. Dito rin naganap ang pormal na turnover ng mga papeles ng bahay sa pangalan ng pamilya ni Lyca.
 
Ngayong may sarili na siyang bahay, next plan naman ni Lyca ang magkaroon ng sariling sasakyan. Van daw ang gusto niya para mailagay ang mga gamit niya kapag may taping at maisama ang buong pamilya.