• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda promises to attend It’s Showtime Anniversary despite throat condition

Vice Ganda promises to attend It’s Showtime Anniversary despite throat condition

Vice Ganda’s sister explained his condition in a phone call to Aquino and Abunda Tonight.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/16/2014 1:23 AM
Vice Ganda promises to attend It’s Showtime Anniversary despite throat condition


101614-vganda_main.jpgSa report sa Aquino and Abunda Tonight, marami ang concerned sa kalagayan ni Vice Ganda. Kahapon nabahala ang mga manonood nang mapag-usapan sa It’s Showtime ang diumano’y karamdaman sa lalamunan at cyst sa kidney ni Vice.

Sa panayam sa kanyang kapatid na si Dra. Cristina Viceral, sinabi nito na mayroong esophagitis o pamamaga sa daanan ng pagkain si Vice kung kaya in-advice ng doctor ang “total voice rest.” Nakitaan rin si Vice ng cyst sa kidney ngunit walang dapat ikabahala dahil ayon sa kanyang kapatid, less than a centimeter lang ang size ng cyst at “hindi pa alarming ito.” Sinabi rin ni Dra. Viceral na sana hindi na lumaki pa ang cyst.

Pinaaabot naman ni Vice sa pamamagitan ng host na si Kris Aquino na balik It’s Showtime siya sa Friday at Saturday, October 17-18, para sa Anniversary at Grand Finals ng Gandang Lalaki na gaganapin sa naturang show. Kailangan lang raw na alalay ang pagamit ng kanyang boses. Tigil shooting din muna si Vice para sa pelikula nitong Praybeyt Benjamin.