• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya thinks of becoming an author to celebrate her 25 years in showbiz

Jaya thinks of becoming an author to celebrate her 25 years in showbiz

Jaya is also excited for her grand concert marking her 25th year in show business.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/15/2014 2:10 PM
Jaya thinks of becoming an author to celebrate her 25 years in showbiz


101514-jaya_main.jpg25 years na sa showbiz ang binansagan na Queen of Soul na si Jaya. Isang special na concert ang inihahanda niya ngayon sa grand ballroom ng Solaire kaya ngayon pa lang, excited na si Jaya na muli iparinig ang lahat ng kanyang hits at over songs na nagging malaking bahagi ng kanyang buhay.

“Alam mo henstly gusto ko lang mag enjoy ang mga tao and to look back to everything that I've done for the past 25 years kasi minsan mayroon tayong slight memory lost nakakalimutan din nila what you’ve done and what you were known for ako music lang naman ang mahal ko na ginagaw ayun ang sa akin masaya na ako noon kahit sa maliit na bar sa malaking bar sa akin bongga na ito”

Kung maraming taas baba ang career ni Jaya, ganito rin ang naging kuwento ng personal na buhay niya. Kaya't isang espesyal na project ang iniisip niyang buuin ngayon.

“I've been thinking of writing a book, I swear to you marami ang makaka-relate at walang nakakaalam na pwede pala mangyari sa akin. I just don’t show I just go along my life na parang okey lang ang lahat. Dapat handa ka bumagsak sa pagmumukha mo at tumayo ka, kanino ka ba kakapit di ba? Marami ka pagdadaanan di ka pwede umarte.” 

Nagbigay din ng patikim si Jaya ng mga bagay na bitbit niya noon pa man na pinaghuhugutan ng lungkot at nagpatibay sa kanya. Kasama na ditto ang kanyang tangka na wakasan na ang buhay niya.

“Just imagine this, your mother is famous, siya ang kumakayod, sino ang kasama ko? Normal ba yun? Wala naman ako yaya wala naman ako ate lahat nasa amerika mga half siblings ko, nobody took care of me so mag stick ka lang mag isa, you grow up fast at six years old you become ten at seven years old you become twelve. So medyo ano siya,  hindi ako normal and that’s okey because thru out the journey matatagpuan mo ang mga tao na tutulong at kakapit sa iyo eh. Ayaw pa yata ako tanggapin tala ni Lord kasi ang dami ko na ininom bumubula ka na tapos meme paggising ko puro lang ako suka mali, mali ang nangyari.”

Bilang isa sa masasabing senior sa mga OPM artist ngayon, nagbigay blind item pa si Jaya sa mga baguhang singers ngayon na di pa man nararating ang tagumpay ay nauunahan na ng di magandang ugali.

Makikita mo naman eh kasi ka trabaho mo eh, when you work with these people every kahit once a week alam mo na kaagad  sa tingin pa lang yung hindi ka nga pinapansin di ba? Daan daanan ka lang para kang alikabok at hindi lang ako yun, kunwari kami ni Songbird, dadaanan ka lang.”

Sabi nga ni Jaya, 44 years old na siya at diabetic. Mas pipiliin niya na mag focus na lang sa dalawa niyang mga anak at mapagmahal na asawa at ang dalawa at kalahating dekada na ambag niya sa musikang Pinoy.