• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis prefers a private wedding proposal from Erwan Heusaff

Anne Curtis prefers a private wedding proposal from Erwan Heusaff

The actress explains the reason why she doesn’t want to get married yet.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/15/2014 12:29 PM
Anne Curtis prefers a private wedding proposal from Erwan Heusaff


101514-anne_main.jpgMasasabing ang 2014 ay taon ng mga marriage proposals, mula sa simple hanggang sa pinakapinagkaabalahan na proposal, hindi maikakailang marami ang na-engage sa taong ito, sa larangan man ng pulitika, showbiz at news. Nariyan ang hindi malilimutang proposal ni Dingdong Dantes at Marian Rivera sa show ng aktres, ang proposal din ni Tyke Kalaw sa kanyang showbiz and sports anchor na si Cesca Litton, ang airport proposal ng basketball player na si JC Intal kay Bianca Gonzalez, ang emosyonal na proposal ng lead vocalist ng ‘Parokya ni Edgar’ na si Chito Miranda sa kanyang girlfriend na si Neri Naig, naging malaking usap-usapan din ang naging proposal ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evanglista, at kamakailan lamang ang dance mob proposal ni John Prats sa aktres na si Isabel Oli.

Kaya naman ang mga artista ngayon na bukas sa publiko sa kanilang relasyon ay natatanong na din kung may plano na ba o napag-uusapan na ang kasal, Isa dito ay si Anne Curtis na madalas na natatanong kung may plano na ba silang magpakasal ng halos tatlong taong karelasyon na chef at businessman na si Erwan Heusaff. At muli, natanong ang dalaga tungkol sa mga tila nauusong mga proposals ngayon at kung napanood niya ba ang mga ito, “Well ako, ‘Awww… cute’ pero not for me yet, not yet. Maybe two and a half, three years.” At nais panindigan ni Anne na hindi pa napapanahon para sa kanya ang magpakasal. “Pero yun sana ang target age ko, mga around there, 31-32.” At kung yun din ba ang gusto ng kanyang karelasyon sa ngayon, ang matipid na tugon ni Anne, “I guess.”

Dahil sa pagiging vocal ni Anne sa panahon na nais niyang magpakasal, hindi kaya hinihintay lang siya ni Erwan, “I don’t know. Hindi naman naming masyadong pinag-uusapan, wala pa kami sa stage na yun.”

Ngunit kung dumating ang panahong magpo-propose na ang kanyang boyfriend, may hiling si Anne sa kung paano sana dapat mangyari ang proposal, “Private, I’d like it to be private because I am such a open book to everyone.”