Stars attend Cary Santiago's 25th anniversary fashion show

The fashion designer thanks all those who continue to support his works, including his new collection.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/14/2014 10:21 AM
Stars attend Cary Santiago's 25th anniversary fashion show


1014114-carry_main.jpgMagkasabay na nag celebrate ng kanilang 25 years sa industry ang Metro magazine ng ABSCBN publishing at ang premyadong fashion designer na si Cary Santiago. Sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri La sa Pasig naganap ang star studded event kagabi.

Mga veteran fashion models, beauty queens at mga artista ang nakitang rumampa suot ang mga bagong likha ni Cary Santiago. Kabilang na sina Ruffa Gutierrez, Sarah Lahbati at Tweety de Leon.

Ilan naman sa mga personalidad na regular na dinadamitan ni Santiago ay sina ABSCBN President and COO Charo Santos Concio, Bea Zobel, Amparito Lhuiller, Dawn Zulueta, Suyen Chi at Maja Salvador

Nagpapasalamat naman si Cary sa mainit at fabulous na nagging pagtanggap ng audience sa kanyang bagong collection.

“Lahat ng clients ko at lahat ng important na mga tao sa buhay ko nandito ngayon and I cant be thankful enough sa support na ibinigay nila sa akin.” 

Ang kanyang nakaraang trip sa Hanoi, Vietnam ang nagging inspirasyon ni Cary sa mga nakitang inirampa sa fashion show.

Star studded at todo ang suporta ng showbiz personalities kay Santiago, Dumating ang Queen of all Media na si Kris Aquino kasama ang kontrobersyal na si Derek Ramsay, Dawn Zulueta at Anton Lagdameo, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Regine Velasquez at kapatid na si Cacai Mitra, Laarni Enriquez, Jerika Ejercito at Bernard Palanca, 2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa at Maricar Reyes.

Kaya naman si Ruffa Gutierrez, hindi mapigil sa papuri na ibinigay kay Cary

“Exquisite, stunning, spectacular, one of a kind and timeless. Ive had a Cary Santiago piece since 2006 up to now im still using it. Di bas a mga damit sa mga gowns twice mo lang nasusuot gutay gutay na eto never siyang nagugutay talagang sobrang ganda niya it takes time out talaga to create and make me feel like a woman”

Si Regine naman, hindi makukumpleto ang isang major concert sa kanyang career kung di magsusuot ng gown na likha ni Cary.

“Iyung mga Cary Santiago gowns ko pang concert eh kasi hindi naman ako pala attend ng mga susyalan parties so sa concerts ako nakakapag suot ng gowns niya.”

Binalikan din ni Cary ang kanyang pagsisimula sa edad na 18 at umalis ng bansa sa edad na 23. Naging fashion designer para sa isang sikat na brand sa Middle East ng hindi gamit ang kanyang pangalan. Ito ang nagging training ground ni Cary sa kanyang husay at detalye sa bawat kasuotan na gagawin niya.

See photos of the star-studded event HERE