• Home
  • Fresh Scoops
  • Katrina Halili on her love life's current state: 'No boys muna'

Katrina Halili on her love life's current state: 'No boys muna'

The actress divulges the reason why she decided to break up with singer Kris Lawrence.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/14/2014 7:16 PM
Katrina Halili on her love life's current state: 'No boys muna'


1014114-katrina_main.jpgNew look ngayon si Katrina Halili. Pagkatapos na pagkatapos niyang magpagupit ng buhok nu'ng Lunes, diretso agad siya sa presscon ng advocacy film na Child House, na produced ng BG Productions International, na ginanap sa isang hotel sa Mandaluyong.

"Gusto ko lang maiba. Gusto ko ng maigsing buhok kaya ako nagpagupit," buungad na pahayag sa amin ni Katrina.

"Pero walang statement ang new hairdo ko. Feel ko lang yung ganito," dagdag pa niya.

Hindi ba pahiwatig na nakapag-move-on na si Katrina sa break-up nila ni Kris Lawrence kaya siya nagpa-short hair

"Naku, wala namang ganu'n," hirit agad niya. "Matagal na akong nakapag-move-on. Hahaha!" dagdag ulit ng sexy actress,

Six years tumagal ang relasyon nina Katrina at ng R&B singer na si Kris na produkto naman ng isang talent show ng ABS-CBN. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang baby girl named Katrence Lawrence Halili Cadeida na Katie kung tawagin ng datig magdyowa, 

"Okey naman kami ni Kris. Desisyon ko na tapusin na yung sa amin kasi hindi na nagwo-work. Saka na-realize ko na madami pa pala akong gustong gawin sa buhay ko. Marami akong napabayaan at kailangan kong bumawi. Sira kasi ang diskarte ko sa buhay kapag may lalaki ako," pag-amin pa niya,

"Kaya ngayon, no boys muna. Hindi rin muna ako magpapaligaw. Kay Katie lang muna ang focus ko at sa trabaho ko," sambit pa niya.

Pero hindi raw naman isinasara ni Katrina ang kanyang pinto sa posibleng pagbabalikan nila ni Kris. 

"Hindi naman sarado totally yung door. Ngayon, close siya, pero hindi natin alam what will happen in the future. We're friends naman. Ang nawala lang naman sa amin ay yung romantic angle. Araw-araw din siyang pumupunta sa bahay para dalawin si Katie. Beso-beso pa rin naman kami pag nagkikit," kuwento pa niya sa amin.

Nagpapasalamat si Katrina na naging bahagi siya ng pelikulang Child House na malapit nang simulan ang shooting under the direction of Louie Ignacio,

"We will be doing this film to create more awareness para sa mga tao na hindi pa nakakaalam  na maraming cancer patients na batang nangangailangan ng ating tulong.  Gagampanan ko dito ang role ng isang nanay na may anak na may cancer at ngayon palang, emosyonal na ako, 

"Hindi ko na siguro kailangang mag-workshop dahil nanay na rin naman ako and I know how they feel. Kapag umiiyak nga lang ang anak ko, aligaga na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko,.. yon pa kayang nanay na merong anak na may cancer?"

May soft spot ang Child House sa aktres dahil namatay ang lola niya dahil din sa cancer.

"2009 na-diagnose si Mama (tawag niya sa kanyang lola) na may cancer pero wala akong idea na may cancer siya. Nahihilu-hilo lang siya, tapos stage 4 na pala. Sandali lang tapos namatay na rin siya," pagre-recall pa niya.

Makakasama ni Katrina sa pelikula sina Nadine Samonte, Dion Ignacio, Sheena Halili at ilan sa  award-winning child stars ng bansa tulad nina Therese Malvar (Ang Huing Chacha ni Alita), Miggs Cuaderno (Children's Show), Felixia Crysten Dizon (Magkakabaong / The Coffin Maker) Mona Louise Rey, Vince Magbanua at Erika Yu.

Si Baby Go ang nasa likod ng BG Productions International na gumawa rin ng peikulang Hustisya, Lauriana, Magkakabaong, among others. Dalawa pang indie films ang tapos na nilang gawin -- ang Bigkis ni LJ Reyes at Homeless ni Ejay Falcon.