"Gusto ko lang maiba.
Gusto ko ng maigsing buhok kaya ako nagpagupit," buungad na pahayag sa amin ni
Katrina.
"Pero walang statement
ang new hairdo ko. Feel ko lang yung ganito," dagdag pa niya.
Hindi ba pahiwatig na
nakapag-move-on na si Katrina sa break-up nila ni Kris Lawrence kaya siya
nagpa-short hair
"Naku, wala namang
ganu'n," hirit agad niya. "Matagal na akong nakapag-move-on. Hahaha!" dagdag
ulit ng sexy actress,
Six years tumagal ang
relasyon nina Katrina at ng R&B singer na si Kris na produkto naman ng isang
talent show ng ABS-CBN. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang baby girl named
Katrence Lawrence Halili Cadeida na Katie kung tawagin ng datig
magdyowa,
"Okey naman kami ni
Kris. Desisyon ko na tapusin na yung sa amin kasi hindi na nagwo-work. Saka
na-realize ko na madami pa pala akong gustong gawin sa buhay ko. Marami akong
napabayaan at kailangan kong bumawi. Sira kasi ang diskarte ko sa buhay kapag
may lalaki ako," pag-amin pa niya,
"Kaya ngayon, no boys
muna. Hindi rin muna ako magpapaligaw. Kay Katie lang muna ang focus ko at sa
trabaho ko," sambit pa niya.
Pero hindi raw naman
isinasara ni Katrina ang kanyang pinto sa posibleng pagbabalikan nila ni
Kris.
"Hindi naman sarado
totally yung door. Ngayon, close siya, pero hindi natin alam what will happen in
the future. We're friends naman. Ang nawala lang naman sa amin ay yung romantic
angle. Araw-araw din siyang pumupunta sa bahay para dalawin si Katie. Beso-beso
pa rin naman kami pag nagkikit," kuwento pa niya sa amin.
Nagpapasalamat si
Katrina na naging bahagi siya ng pelikulang Child House na malapit nang
simulan ang shooting under the direction of Louie Ignacio,
"We will be doing this
film to create more awareness para sa mga tao na hindi pa nakakaalam na
maraming cancer patients na batang nangangailangan ng ating tulong. Gagampanan
ko dito ang role ng isang nanay na may anak na may cancer at ngayon palang,
emosyonal na ako,
"Hindi ko na siguro
kailangang mag-workshop dahil nanay na rin naman ako and I know how they feel.
Kapag umiiyak nga lang ang anak ko, aligaga na ako, hindi ko na alam ang gagawin
ko,.. yon pa kayang nanay na merong anak na may cancer?"
May soft spot ang
Child House sa aktres dahil namatay ang lola niya dahil din sa
cancer.
"2009 na-diagnose si
Mama (tawag niya sa kanyang lola) na may cancer pero wala akong idea na may
cancer siya. Nahihilu-hilo lang siya, tapos stage 4 na pala. Sandali lang tapos
namatay na rin siya," pagre-recall pa niya.
Makakasama ni Katrina sa
pelikula sina Nadine Samonte, Dion Ignacio, Sheena Halili at ilan sa
award-winning child stars ng bansa tulad nina Therese Malvar (Ang Huing Chacha
ni Alita), Miggs Cuaderno (Children's Show), Felixia Crysten Dizon (Magkakabaong
/ The Coffin Maker) Mona Louise Rey, Vince Magbanua at Erika Yu.
Si Baby Go ang nasa
likod ng BG Productions International na gumawa rin ng peikulang Hustisya,
Lauriana, Magkakabaong, among others. Dalawa pang indie films ang tapos na
nilang gawin -- ang Bigkis ni LJ Reyes at Homeless ni Ejay
Falcon.