• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis’s co-star Alexander Dreymon admits attraction to actress

Anne Curtis’s co-star Alexander Dreymon admits attraction to actress

Alexander Dreymon says that although he is attracted Anne Curtis, he has heard a lot of great things about Anne’s boyfriend Erwan Heussaff and is excited to meet him on the premiere night.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/14/2014 9:59 AM
Anne Curtis’s co-star Alexander Dreymon admits attraction to actress


1014114-anne_main.jpgSa press conference ng first international indie film ni Anne Curtis na Blood Ransom kasama ang Hollywood actor na si Alexander Dreymon, ibinahagi ng dalawa kung ano ang karanasan nila sa isa’t isa habang ginagawa ang pelikula. Ayon kay Anne, “He is great, he is amazing at what he does and its just great to be able to work with someone like that.” Lumabas si Alexander sa sikat na American series na American Horror Story: Coven bilang ang karakter na si Luke Ramsey, at ilang mga pelikula tulad ng Christopher And His Kind at L’Ulitima Sfilata.

Inamin ni Anne noon na noong una ay tila suplado ang aktor ngunit sa sandaling panahon lamang. Aniya, “Hindi sobrang konti lang yun, tumitingin-tingin lang siyang ganun pero very briefly lang and then after nun magkasundo na kami.

Nang matanong naman si Alexander kung ano naman ang masasabi niya kay Anne bilang katrabaho, “Elegant, generous. I mean you know it just Anne, it’s Anne Curtis and I know now.” Dagdag pa ng aktor, “She is awesome, she is generous and funny, full of surprises.”

At ang rason kung bakit niya nasabing mapagbigay ang aktres, “Because when we do scenes together even if she is not on camera and her takes are done already, she still gives as much to you because she knows that you need to do yours and that is really important when you work with somebody because it raises everybody’s performance.” Hindi na rin nasorpresa si Alexander ng malaman niyang isa sa pinakalamaking artista dito sa Pilipinas si Anne, “No, not surprised at all.” 

Kaya naman nang matanong kung attracted ang Hollywood actor kay Anne, napatili ang press sa sagot ni Alexander. Aniya, “Is anybody not?” Alam ni Alexander na may karelasyon na si Anne at sa katunayan ay excited pa ngang makilala ni Alexander ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff. “You know I am actually really looking forward to meeting him, I heard a lot of good stuff about him and I am going to meet him at the premiere so I am sure he is a great guy.”

Nang nabuksan ang usapan tungkol sa kanilang “French kiss” sa pelikula, sinabi ni Anne na noong una’y hindi talaga siyang kumportable. “Yeah, oo because I was very uneasy in the beginning because I didn’t know what I was doing wrong, I thought I was doing something wrong but as soon as he said it, I did it and it was good.” Ayon pa sa aktres, naintindihan niya kung bakit kinailangang gawin ito. “Yes, to make it more passionate I guess which is true. I mean in real life when you kiss someone that you love or attractive to you that is how you kiss and its just different.” At matapos nga ang halikan, kwento ni Anne, “I was sweating too much, I was so embarrassed but I survived.” 

Kung sakali man mabibigyan muli ng pagkakataon si Anne na gumawang muli ng isang Hollywood film kung saan kailangan niyang makipag-French kiss muli sa kung sinuman ang kanyang makakatambal na leading man, “Apparently that is how it’s supposed to be done.