Star Player, nanghihingi ng TF sa isang charity event?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/13/2014 5:27 PM
Star Player, nanghihingi ng TF sa isang charity event?


101314-blinditem.jpg
Hindi ko lang alam kung by this time ay naayos na ang problema na may kaugnayan sa honorarium ng isang Star Player sa UAAP. Ang huling sinabi ng aking source ay hindi nga magkasundo sa kung magkano ang dapat na "honorarium fee" niya sa isang charity event na gaganapin sa Big Dome next month.

"Charity event kasi yon, kaya mga 30k hanggang 50k lang ang sagad na honorarium. Yung isang star player ng UAAP, pumayag na. Hindi mahirap kausap ang handler, dahil for a good cause nga eh. Yung isang star player, ang gusto ng handler 150k. 

"Siyempre, ayaw ng producer, dahil charity nga, di ba? Saka malaking boost sa kanila 'tong event na to. It's a win-win situation, dahil napasaya mo na ang mga fans mo, nakatulong ka pa sa foundation.

"Sinabi na ng kampo ng Star Player na 100k na lang, pero ayaw pa rin kasi kung yun ngang isang ka-level niyang Star Player, okay lang na 50k, tapos siya, gusto niya mas mataas?"

At eto na, sa pagkakataong ito ay bigla raw naisip ng organizer ang isang sikat na young actor, "Dahil alam mo ba ang batang yon, yung honorarium niyang 50k, walang pagdadalawang-isip, idinonate pa niya sa foundation. Wala raw problema, sasali siya sa exhibition game ng ilang UAAP players at celebrity players.

"Kaya naman yung batang yon, sinusuwerte ang career, 'di ba?" Oo nga naman, you've got to believe na nasa kanya na ang lahat. Pero ako naman bilang manager eh naiintindihan din ang kampo ng Star Player na naniningil ng 150k hanggang 100k, dahil manager yon, decision yon ng manager at hindi ng kanyang alagang player.

Puwera na lang kung may kinalaman din ang Star Player sa decision ng handler niya. Baka naman ang pinagbatayan ng manager ay dahil matunog na matunog ang pangalan ng kanyang alagang UAAP player, 'di ba?

So kapag nakita natin ang star player sa charity event na iyon, ibig sabihin, all is well that ends well.