• Home
  • Fresh Scoops
  • MJ Lastimosa: Age won't be a problem in Miss Universe pageant

MJ Lastimosa: Age won't be a problem in Miss Universe pageant

The 2014 Bb. Pilipinas-Universe says she will fight to win another crown for our country.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/13/2014 1:55 PM
MJ Lastimosa: Age won't be a problem in Miss Universe pageant


040114-mjlastimosa_MAIN.jpgMalungkot na balita at history na di makakalimutan sa pageant scene ang di pagkakaroon ng Miss Universe Pageant ngayong taon. Ang Miss Universe ang itinuturing na isa sa pinaka malalaking beauty search na inaabangan sa buong mundo taon taon lalo na sa ating bansa na siniseryoso ang mga ganitong contest.

At ngayon na naka announce na sa official website ng Miss Universe Organization na magaganap ang pageant sa Doral, Florida USA sa January 25 sa 2015, parang nabunutan ng tinik at mas naging pursigido sa kanyang pafghahanda ang ating pambato, ang 2014 Miss Universe Philippines na si MJ Lastimosa

“Mas nakahinga na ako ng maluwag kasi alam na natin at nagkaroon na ako ng goal and I believe na ang sambayanang Pilipino are very excited na about it. most of my family is in the states so number one advantage yun for me kasi makakapanood sila so ill be very inspired to have my family watch me live.”

Sa Swimsuit Competition, Evening Gown at Question and answer portion ng Miss Universe Pageant na kanyang sasalihan, aminado si MJ na kabado siya sa tatlong portions pero positibo pa rin ang outlook niya.

“Kinakabahan ako sa gabing iyon pero sana ibigay sa akin na maging gabi ko yon sa pageant night. Tuloy tuloy pa rin naman ako sa mga training ko iyung pagpapaganda ng katawan napaka importante sa swimsuit round agad yun, sa mga clothing medyo inaayos pa sa mga personality development and question and answer portion tuloy tuloy pa rin yun."

Sinagot din ni MJ ang issue na sobra na siya sa edad sa panahon ng pageant, bagay na ibinabato sa kanya ng mga netizens hanggang ngayon.

“I don’t think so kasi before they qualify you to win the crown sa national competition they make sure that you are qualified so para maiwasan na ang mga problems like that so I don’t think that would be a problem at all. As long as the Binibining Pilipinas will send me for the Miss Universe pageant I will fight for my country. It happens eh kasi whats the thrill  of every event if there are no good and bad comments so I think its just there it exists.”

“Claim it” ang motto ngayon ni MJ sa buhay at alam niyang ang pagiging positive ay malaking bahagi ng kanyang magiging tagumpay para maiuwi ang korona. Kayat ngayon pa lang, sinasagot na niya ang mga tanong na kung siya ang mananalong Miss Universe 2014, maiksi lang ang panahon na maisusuot niya ang korona.

“I’d always say na its not the length of the journey that matters but what I did during the reign. So if I would be given a shorter term I would be treasuring every day of it di ba?”