• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli respects Sarah Geronimo’s decision not to have sex before marriage

Matteo Guidicelli respects Sarah Geronimo’s decision not to have sex before marriage

Boy Abunda and Kris Aquino laud Matteo Guidicelli’s respect for his girlfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/12/2014 7:25 PM
Matteo Guidicelli respects Sarah Geronimo’s decision not to have sex before marriage


101214-matteo_main.jpgSa The Buzz, naging usapan ang diumano’y panunukso kay Matteo Guidicelli dahil sa kawalan nila ng sex life ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Hindi naman ito itinanggi ng binata, at sinabi nito na, “The Bible says you can only do that after marriage” at kahit na raw maraming nagkakamali at hindi nasusunod ang sinasabi ng Bibliya ay dapat pa ring subukan na gawin ang tama. “We try to be better in our future relationships.” Dagdag pa ni Matteo, “It’s possible di ba?” Buo rin ang loob nito na igalang ang desisyon ni Sarah at ng pamilya nito, “We’ll live by it.

Nagbigay naman ng opinyon  ang mga hosts na sina Kris Aquino at si Boy Abunda tungkol sa isyung ito. Ayon kay Boy, importante ang communication between parents and their children. Importante rin daw na makinig ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Nagbahagi naman si Kris ng opinyon ng kanyang anak na si Bimby tungkol sa kanyang love life. Kwento ni Kris, sinabi diumano ni Bimby kay Bianca Gonzales na ayaw niyang magkaboyfriend ang Mommy niya dahil “I want to spare her from another heartache.” Giit ni Kris, “When you listen to your kids, they will listen to you.” Bilib diumano si Kris kay Matteo dahil sinasabi nito na, “na-instill ang tamang values kay Sarah, and he’s living with that.”

Ayon kay Boy, katulad ni Matteo at Sarah, “Boyfriends and girlfriends should start talking about sex.” Dagdag naman ng Queen of All Media, “May responsibilidad na kasama ang sex hindi puro sarap lang,” katulad diumano ng unwanted pregnancies.

Hanga rin ang dalawa kay Matteo dahil vocal ito sa malinis na intensyon nito kay Sarah. “I want her to be my last,” ang paulit-ulit na sinasabi ni Matteo sa kanyang mga interviews.

Panawagan rin ni Kris sa mga kaibigan ni Sarah at Matteo ay, “wag niyong tuksuhin, tulungan niyo na lang ang relationship ng dalawa kung friends niyo sila.