Mae Subong says mom Pokwang can have a boyfriend

The comedienne’s daughter just has a little reminder for Pokwang about one quality she wants for her new bf.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2014 7:17 PM
Mae Subong says mom Pokwang can have a boyfriend


101214-pok_main.jpgNaghanda ng bonggang pagkain si Pokwang sa bahay niya sa Antipolo nu’ng Saturday afternoon para i-treat ang ilang kaibigan niya sa entertainment press bago siya umalis papuntang Amerika para sa 4 Da Laffs show kasama sina K Brosas, Pooh at Chokoleit.
 
Bagama’t malakas ang ulan that day, enjoy naman ang mga press sa masasarap na pagkain at pakikipagchikahan kay Mamang Pokey. Pinaakyat ni Pokwang si Mae sa kuwarto nito, pero mas ginusto ng dalaga na tumabi sa ina habang kinakausap ng press.
 
Naikuwento agad ng komedyana ang kanyang latest movie na Edsa Woolworth na prinodyus ng TFC para sa kanilang 20th anniversary. Ipalalabas ito sa Nov. 14 sa Amerika at Canada.
 
Kapareha niya sa pelikula ang Amerikanong leading man na posibleng magpatibok ng puso niya – si Lee Obrian.
 
Akala ko kung sino ‘yung lalaking dumaan sa harap ko. Siya (Lee) na pala ’yon, ang leading man ko. Siyempre in-introduce namin ang isa’t isa. Kaya lang, nawindang ako kasi naubos lahat ng Ingles ko. Dumugo ang ilong ko at gusto ko nang magpatawag ng Red Cross para salinan nila ako ng dugo. Ha-ha-ha!” natatawa niyang kuwento.
 
Kaagad ba niyang natipuhan ang American actor?
 
Agad-agad? Tingnan natin. Ayoko naman na… hindi kasi ako asumera (assuming). Baka mamaya…tingnan na lang natin kung saan ’yan pupunta,” pagpapatuloy niya.
 
Malakas ang dating ng beauty ni Pokwang sa mga foreigner, pero halatang pigil pa rin siya sa pakikipagrelasyon kahit pa approve na dito ang anak.
 
Hindi ako makalandi! Ha! Ha! Ha! Siguro ’pag naka-graduate na ’yang nasa kaliwa mo (sabay nguso kay Mae )!” rason pa niya.
 
Ayon naman kay Mae, payag na siyang magpaligaw at magkaroon ng boyfriend ang ina. Naiintindihan na raw niya ito ngayon.
 
Pero huwag naman ’yung kasing edad ko na parang barkada ko na, ha!” pasaring ng dalaga sa ina.
Siya naman, matagal nang sinasabi na mag-boyfriend ako. Huwag daw ’yung bata na parang kabarkada na niya ang age,” hirit naman ni Pokey.
 
Allowed na rin si Mae na magka-boyfriend ayon kay Pokwang, pero sana raw pagka-graduate na nito. “Pagka-graduate niya, mag-boyfriend siya. Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang sa bahay siya magpapaligaw. Huwag sa mall at pasasabugin ko ’yon! Ha! Ha! Ha!” biro pa ng komedyana.
 
Malamang daw na pumunta ng Pilipinas si Lee sa December kung matutuloy ang pagpapalabas ng Edsa Woolworth dito sa January of 2015. Posible rin daw na makasama niya ang Kanong leading man sa Christmas kapag nagbakasyon sila doon ni Mae sa December.
 
“Tingnan natin. Malay mo, ‘di ba? Gusto nga ni Lee na pumunta dito sa atin. Ipinagmamalaki ko kasi ang mga dagat natin. Kapag pumunta siya dito, alam mo na,” kinikilig pa niyang  pahayag.
 
Sa Oct. 16 ang alis ni Pokwang papuntang Amerika, pero sa Oct. 14 and 15 ay magti-taping muna siya para sa bagong TV series ng ABS-CBN na Nathaniel mula sa unit ng Dreamscape Entertainment. Sa Oct. 25 naman ay susunod sa kanya ang anak na si Mae kasabay ng anak ni K Brosas para doon naman sila mag-bonding.
 
Para sa mga Pinoy sa Amerika, narito ang schedule ng 4 Da Laffs: The US Tour nina Pokwang and company: Oct. 17 sa Honolulu, Hawaii (Blaisdell Concert Hall); Oct. 19 sa Las Vegas (Sam’s Town Casino); Oct. 25 sa San Diego (Pala Casino & Resorts); Oct. 31 sa Chicago (Copernicus Theater) at sa Nov. 2 sa New Jersey (The Wellmont Theater).