• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto and Richard Gomez share secret to their lasting relationships

Gretchen Barretto and Richard Gomez share secret to their lasting relationships

Gretchen Barretto and Richard Gomez share amusing stories about their happy family lives on The Buzz.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/12/2014 7:20 PM
Gretchen Barretto and Richard Gomez share secret to their lasting relationships


101214-chard_main.jpgSa The Buzz, masayang ikinwento ni Gretchen Barretto at Richard Gomez ang kanilang buhay may pamilya.

Diumano, kagagaling lang ni Gretchen sa London, dahil hinatid niya ang kanyang unica hija na si Dominiqe sa kanyang first day of school. Dominique is 19 years old and is taking up a Fashion course in London. Si Julianna naman na anak ni Richard, ay 14 years old at nasa 8th grade na sa isang Catholic International School.

Kaibigan ni Dominique si Julianna, pati na rin ang anak ni Marjorie Barretto na si Claudia. Wala pa raw boyfriend si Dominique kahit na hindi naman ito pinagbabawalan magka-boyfriend ni Gretchen. Ayon pa kay Gretchen, “Buti hindi nagmana sa akin.” Si Julianna naman hindi pa pinapayagan ni Richard makipag-text dahil masyado pa itong bata. Natatawang sabi pa ng aktor, “Sabi ko sa kanya kakalbuhin kita.”

Strikto diumano si Richard and Lucy in different ways as parents to Julianna. Masayang kwento ni Richard kapag pumupunta sa concert si Julianna at mga kaibigan nito na usually ay nagsisimula ng midnight, sinasabi niya rito na “You have to be home by 11pm.”

Kwento naman ni Gretchen, strict din as a parent ang kanyang partner na si Tony Boy Cojuangco kay Dominique. Mas makulit ito kay Gretchen at tinatawagan nito si Dominique pati mga guards at yaya nito. Sinasagot naman ni Dominique ang mga tawag nila kasi sinasabi ni Gretchen sa kanyang anak na, “If you don’t pick up the phone, susugurin ko kayo.” Ganunpaman, very loving na ama raw si Tony. Kelan lang ay napaluha ito nang kamustahin ito ni Gretchen dahil ayon kay Tony, “I wanna finish everything and I wanna go back to London. I miss Dominique.”

Sixteen years nang happily married sina Richard at Lucy at 20 years namang magkasama sina Gretchen at Tony. Ayon kay Gretchen, nakuha siya sa dasal ni Tony

dahil nagro-rosaryo ito at very spiritual na tao ito. Sinabi diumano sa kanya ni Tony na “ipagdadasal na lang kita” kung kaya mabait na raw ngayon si La Greta. Nagsisimba din si  Gretchen at Tony together.

Si Richard naman, nakuha rin sa dasal ni Lucy. One time, kwento ni Richard, nagising siya in the middle of the night at nagulat siya, dahil pine-pray over siya ni Lucy.

Bukod sa pagiging prayerful ni Lucy, isa pa sa sikreto ng masaya nilang pagsasama ang pamilya nila Lucy. Isa sa mga nagustuhan ni Goma kay Lucy ay ang pagiging very close nito sa kanyang pamilya.

Lagi diumano nakakasama ni Gretchen sila Lucy at Richard and she can attest sa peaceful at very loving na samahan ng dalawa.

Gaganap na lawyer at psychologist sina Gretchen at Richard sa The Trial na dinirek ni Chito Rono. Ayon sa dalawa, masayang makatrabaho si direk Chito dahil ipinaparamdam nito sa kanila na he trusts them.