• Home
  • Fresh Scoops
  • Cherry Pie Picache says she may forgive her mom’s slayer “in God’s time”

Cherry Pie Picache says she may forgive her mom’s slayer “in God’s time”

The actress explains the reason she asked her mom’s killer “Why?”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/12/2014 7:24 PM
Cherry Pie Picache says she may forgive her mom’s slayer “in God’s time”


101214-cherry_main.jpgSa The Buzz, humihingi pa rin ng dasal si Cherry Pie Picache dahil aniya kailangan pa rin nila ng healing. Hindi raw ganun kadali patawarin ang pumaslang sa kanyang ina, pero ani Cherry, “In God’s time.”

Sa pagkamatay ng kanyang Ina na si Zenaida Sison, narealize ni Cherry Pie na napakaraming nagmamahal sa kanyang Nanay at sa kanyang pamilya. Napagtanto rin niya kung gaano kailangan ng isang hotline number sa Pilipinas katulad ng 911. Ayon pa kay Cherry Pie, kung may 911 ay naireport na siguro ng mga kapitbahay kaagad ang naririnig nilang ingay sa bahay ng nanay niya ng gabing paslangin ito. Na-realize rin ng aktres na walang “pipiliin ang kasamaan because of drugs.”

Nang makita ni Cherry ang pumaslang sa kanyang mommy na kinilalang si Michael Flores ang natanong lang nito ay, “bakit, bakit, bakit?” Ayon kay Cherry kilala sa community nila na napakabuting tao ng mommy niya, kung kaya hindi niya ubos maisip kung bakit “gumagawa ka na ng mabuti, maiisipan ka pa ng masama. Hindi namin ma-reconcile yun.

Maraming nagtataka kung bakit mag-isa sa bahay ang mommy ni Cherry Pie na si Zenaida. Paliwanag ng aktres, “My mom is a strong 75 year old woman.” Very independent at headstrong diumano ito at gusto nitong maramdaman na malakas siya at may silbi pa. “She reared four of us alone at kahit matanda na ito, nagda-drive pa siya,” dagdag pa ni Cherry Pie.

Tumatanggi raw ang mommy nila kapag inaalok nila itong tumira sa bahay nilang magkakapatid o kaya lumipat sa town house o kaya isang condo. Gusto rin nito na may nauuwian ang mga kapatid ni Cherry na nasa America.

Mensahe ni Cherry para sa kanyang yumaong ina ay, “Mom gusto kong malaman mo na kami naman ngayon Ma, we will fight for you and we will get the justice that you deserve.”