• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga speaks up on bashers and haters about her best-selling book

Alex Gonzaga speaks up on bashers and haters about her best-selling book

Alex Gonzaga says that she does not push and insist for people to buy her book.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/12/2014 7:11 PM
Alex Gonzaga speaks up on bashers and haters about her best-selling book


101214-alez_main.jpgSa pag-alis ni Alex Gonzaga para sa ASAP Live in Los Angeles, ibinahagi niyang excited na siyang makasama ang mga kapamilya sa West Coast ngunit sinabi nito na matapos ang ASAP, wala silang oportunidad para makapagbakasyon o maiwan muna sa ibang bansa, “No, plainly ASAP lang kasi meron na akong shootings sa ‘Pure Love’ so right after i kaming one day rest ng Ate ko for Team Gonzaga naman kasi magshushoot kami ng Team Gonzaga, kami-kami lang.”

Ngunit inamin ni Alex na plinano nila nung una kung maisasabay nila ang pamamasyal sa ibang bansa ngunit puno na rin ang schedule nilang dalawa, “Meron kaso merong mga previous commitments na tapos nagbakasyon na kami last year so parang natodo na namin yun so ngayon wala na lang kasi nakakahiya naman. Yung ‘Pure Love’ kapag hindi ako umuwi… ang Ate meron siyang Home Sweetie at saka meron pa siyang mga gagawin.” Kaya naman ang biro ni Alex, “Baka naman ako magbakasyon na lang kami forever wala nang work.”

Isa sa pinagkakabalahan ni Alex ngayon ay ang kanyang librong, Dear Alex, Break  Na Kami, Paano? Love, Catherine na instant bestselling book ngayon sa pinakamalaking bookstore sa bansa. At masayang-masaya si Alex sa naging mainit na pagtanggap ng kanyang mga taga-suporta at tagahanga, “Yes I am so proud of myself. Nagulat ako kahilera ko si Nicholas Sparks sa National Bookstore. And si Mitch Alboom, what can I say but I am so proud of my readers. What can I say, uhm, sobrang touched ako kasi ang daming nagti-tweet sa akin, IG na sold out na daw lagi. So tinanong ko yung tiga-publishing, bakit laging sold-out baka naman apat na copies lang ang pinapadala ninyo sa mga bookstores? Hindi daw ano daw siya talaga, kasi nga very relatable siya and yun, may dala nga ako sa States.”

Ngunit may ilan, lalo na sa social media, na naglalabas ng kanilang saloobin na hindi masyadong pabor ang reaksiyon sa paglabas ni Alex ng libro. At nagbigay naman ng reaksiyon ang bagong manunulat tungkol dito, “Siguro ano, sinabi ko na kina Tito Boy [Abunda] at Ms. Kris [Aquino] na nasa democratic country tayo, freedom of expression, kilos-protesta ganyan, freedom of speech. So para sa akin, [it is a] freedom of expression and my way to help other people, young girls na makakarelate sa akin and if they don’t like and if they think I am not authorized then don’t buy the book na lang, diba? Hindi ko naman sinasabing ito ang solusyon sa ano ng bayan, ano lang naman yun, I just want to help other people.”

Pero sa kabila nito sinabi ni Alex na mas marami naman siyang natatanggap na positibo at magagandang reaksiyon sa kanyang isinulat na libro, “Mostly naman talaga ng natatanggap ko puro positive at may nag-IG pa sa akin, nagtu-tweet, natulungan daw sila, naka-move on daw sila. Nakaggawa daw sila ng closure, kanina nga kakababa ko lang may nagtext sa akin, nakahingi daw siya ng cloure sa ex niya, naka-move on na daw siya, thankful daw siya sa book ko.”

At dahil sa tagumpay ng nauna niyang libro, sinabi ni Alex na una pa lang ang linrong ito sa marami pang libro na kanyang isusulat para mas makatulong lalo na sa mga kababaihang nahaharap sa problema sa pag-ibig, “Oo, meron talaga kaming nakaplan na pero next year pa naman.” Ipinangako din ni Alex sa kanyang mga mambabasa na kasama siya sa prosesong pinagdadaanan na isinulat at isusulat pa lamang niya. “Yung second book ko meron na akong idea pero its also about love, about dating. Siyempre ngayon nagbreak ka na, ngayong single ka na, sa dating world mga do’s and don’ts kasi nga sabi ko dun sa book, ‘I am one with you while we are here on this journey finding the one’. So together kami hanggang sa mahanap ko yung ‘The One’ ko kaya shineshare ko sa kanila ito. So dapat dumating na siya.”