• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Padilla and Rayver Cruz admits there’s chemistry between them

Kylie Padilla and Rayver Cruz admits there’s chemistry between them

The Dilim stars say they became instantly close on the set of their movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2014 12:32 AM
Kylie Padilla and Rayver Cruz admits there’s chemistry between them


101214-rayver_main.jpgDalawang buwang trinabaho nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon pero wala ring nangyari. Nauwi din sa hiwalayan ang lahat at hindi na nila naibalik ang dati.

 “Sinubukan namin pareho, pero talagang hindi na mag-work eh. Wala na talaga. Ako na yung nagsabi na parang tama na. It’s over na,” kuwento ni Kylie tungkol sa nakaraan nila ni Aljur.

 Sa ngayon ay hindi pa ulit handang magmahal si Kylie kahit dumating sa buhay niya si Rayver Cruz na partner niya sa pelikulang Dilim ng Regal Entertainment.

 “Ang problema kasi sa akin, tanga ako pag nai-in-love, eh. Kaya ayoko muna talaga. Pero kung sa tingin ko, eh, worth it yung guy, malay natin di ba? Ha-ha-ha,” biting pahayag ng dalaga.

 Halatang kinikilig si Kylie kay Rayver. Kitang-kita ito habang nagpi-pictorial sila at maging sa presscon ng Dilim. Hindi pa ba siya nade-develop sa binata?

 “Okay naman si Rayver, mabait siya, very gentleman. Wala sa kanya yung parang ‘artista ‘yung image ko... Na dapat ganito ako.’ Kaya madali ko siyang nakasundo eh. Kaya lang, masyado pa talagang maaga para sabihing... Alam mo ‘yon?” sabi ni Kylie.

Naikuwento rin ni Kylie na nababaitan kay Rayver ang tatay niyang si Robin Padilla na siyempre, ikinatuwa ng binata. Handa rin daw niyang kausapin si Robin if ever maramdaman niyang gusto na nga niyang manliga kay Kylie.

 “Sa ngayon kasi parang go with the flow lang. Mas okay na friends muna. Mas maganda yung may ganung foundation,” reaksyon ng aktor.

 Aminado rin si Rayver na sa madaling panahon ng pagsasama nila ni Kylie ay nagkaroon agad sila ng chemistry.

 “Meron talagang chemistry. Parang hindi nga kami nagtatrabaho sa set ng Dilim, eh. Very comfortable akong kasama si Kylie. Nag-jive kami agad na parang ang tagal na naming magkakilala.” 

Bagay din naman kami talaga... Kahit di sa trabaho kasi nga close naman kami,” natatawang pahayag ng aktor.

 Teka, hindi kaya na-turn-off si Kylie kay Rayver nang sabihin nitong takot siya sa multo?

 “Magkaaminan na, pero sa laki kong ito, takot talaga ako sa multo. Sabi ko nga, wag na wag silang magpapakita sa akin kasi tiyak na hindi ako makakatulog,” pag-amin pa niya.

 Natawa lang naman si Kylie sa sinabi ni Rayver.

 Palabas na ang Dilim sa Oct. 22 under the direction of Jose Javier Reyes.