• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Freestyle vocalists Top Suzara and Jinky Vidal look back at their 'tampuhan' days

Former Freestyle vocalists Top Suzara and Jinky Vidal look back at their 'tampuhan' days

Top and Jinky share how they fixed their differences and agreed to work with one another again.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/11/2014 6:07 PM
Former Freestyle vocalists Top Suzara and Jinky Vidal look back at their 'tampuhan' days


101114-top_main.jpgSa re-launch ng gimik place na Music Hall sa Metro Walk Ortigas, napa throwback ang audience at entertainment press sa muling pagsasama nina Jinky Vidal at Top Suzara, former lead vocalists ng hit band na Freestyle.

Instant na napa sing along ang lahat sa kanilang hits na “Before I Let You Go”; “So Slow” at cover version nila ng “Bakit Ngayon ka Lang”.

Dito masayang nag share ang dalawa na naayos na nila ang tampuhan nila na tumagal ng walong taon.

 “I’m happy na kahit papaano iyung differences naming before wala na, its all water under the bridge we’re here to work together, totoo iyung time is a healer, nawala lahat yun” sabi ni Jinky

Nag detalye naman si Top kung paano ang naging proseso ng pag aayos nila na hindi naka plano at basta na lang nangyari.

It was a working relationship na it became strained because that time both of us were burned out and it will manifest automatically sa amin dalawa kasi kami ang nasa harap eh, ang hirap. Kapag may sugat ka mahirap ngumiti di ba? I don’t want to rock the boat so hanggang sa nag decide ako na ako na lang ang aalis sa band kasi sa Freestyle naman ako iyung huling pumasok sa anim na member

“One time nagkasunod ang guesting naming sa isang programa, nagkasalubong kami sa hallway Christmas season noon nag pat on the back kami at nag hug pero di official pa iyun, we had a pictorial for a show and iyung manager namin then he told me if ok lang ba sa akin sabi ko 'why not oo naman' tapos si Jinky daw kasi was very hesitant baka daw kasi ayaw ko, ako na lumapit ginulat ko siya sabi ko, 'kamusta?' tapos yun na yun.”

At ngayon na maayos na ang lahat, madalas na daw silang mapapanood together na nagpe perform.

Sabi ni Jinky, “Mahal na mahal ko iyung trabaho ko kahit pakantahin mo ako ng paulit ulit mamamatay na yata ako na kumakanta parang I don’t mind.” 

Dagdag din ni Top, “Our music whatever it is that we make and able to share I hope it will last longer than we, sana.”

Busy ngayon ang dalawa sa pagbubuo ng kanilang solo albums sa ilalim ng Viva records, at may duet song sila sa bawat album bilang suporta sa isat isa.