• Home
  • Fresh Scoops
  • Princess Manzon reveals reason for her breakdown at the ‘I Do’ Village

Princess Manzon reveals reason for her breakdown at the ‘I Do’ Village

Princess Manzon and Harry Morris explain why they chose to leave I Do Village.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/10/2014 10:19 AM
Princess Manzon reveals reason for her breakdown at the ‘I Do’ Village


101014-ido_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, binigyang linaw ni Princess Manzon ang naganap na pag-breakdown niya sa I Do Village.

Ayon sa kanya, stressed out na siya noong araw na yun dahil hindi dumating ang hinihintay nilang ingredient para sa kanilang “tiangge” challenge. Dahil dito, lumabas sila ng kanyang boyfriend na si Harry Morris at sa labas nangyari ang kanyang pagdadabog at pag-breakdown. Matapos nito, hinila ni Harry ang kanyang damit to calm her down. Aminado rin si Harry na nang hinila niya ang damit ni Princess ay galit na rin siya, pero wala naman siyang intensiyon na saktan si Princess.

Ganunpaman, sinabi ni Princess na natakot siya nang hilahin siya ni Harry dahil may naalala siyang masama at “she felt trapped.”

Nakadagdag na rin sa stress ni Princess ang sitwasyon ni Harry kaugnay ng kanyang asawa. Diumano, nalaman ni Princess three days bago pumasok sa I Do Village na hindi pa pala finalized ang divorce ni Harry.

Paliwanag ni Harry, hinihintay pa ng kanyang asawa na maibenta niya ang bahay nila sa UK bago nito ipadala ang divorce papers na pipirmahan ni Harry. Dagdag pa ni Harry, 2011 pa sila separated ng kanyang asawa.

Bukod dito, may natuklasan din diumano si Princess sa I Do Village na kina-stress niya. Ngunit, hindi na binigyang linaw ni Princess kung ano ito.

Ganunpaman, ang away nila ay nauwi sa voluntary exit ng dalawa sa kompetisyon. Ayon kay Princess, ang naganap ay nagsilbing wake up call sa kanila dahil pinaalala nito sa kanila na, “Before you go into marriage you have to make peace with your past.