• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil says he’s not looking to date anyone right now

Enrique Gil says he’s not looking to date anyone right now

Enrique Gil admits that he has a huge crush on co-star Liza Soberano and chooses not to date other girls out of respect for the actress.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/10/2014 1:56 PM
Enrique Gil says he’s not looking to date anyone right now


101014-enrique_main.jpgUnang napanood ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano sa box office hit na She’s The One at ngayon naman ay bibida ang dalawa sa kanilang teleserye na Forevermore. Ikwinento ni Enrique na matapos ang pelikulang kanilang pinagsamahan, hiniling talaga niya ng personal sa Managing Director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos na kung magkaroon ng pagkakataon ay sana muli niyang makatambal ang dalaga. “Yeah, first of all sa She’s The One we paired up and after that actually sinabi ko kay Tita Malou, sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Tita Malou, sana may work din kami after this’, and true enough after nung pinalabas ang She’s The One may nakita silang eksena dun sa dulo which is pwede naman so kinonceptualize yung The Bet. So they told us to portray the role so ayun, so sabi ko, ‘Yes, natupad din yung sinabi ko.’”

At sa kung paano niya nakuha ang lakas na loob na magsabi, “Dun yun sa Circle e, yung may event na 60 years and we had to promote She’s The One, nagpopromote kami ng She’s The One then kasama ko si Liza nun tapos pumasok si Tita Malou sa loob ng tent tapos sinabi, ‘Okay kayo ah.’ Tapos tinanong ako, ‘Kamusta si Liza?’, ‘Tita Malou, okay lang baka gusto mo gawa pa kami ng isa?’ At after nun nagulat na lang ako na ito na, The Bet and Forevermore.”

Natanong si Enrique kung ano ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang muling makasama ang dalaga. “I don’t know siguro sobrang bait niya. Kapag nakita niyo siya sobrang genuine na what you see is what you get na parang she is young kasi and she is such a sweetheart so super genuine na wala kang makikitang malisya. So parang she is young and she is starting so parang ganun, fresh.”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Enrique man ang unang makakatambal ni Liza, may mga nauna nang nakatambal si Enrique na nagkaroon na rin ng mga fans at following. Kaya naman sa bagong tambalang mapapanood, hindi maiiwasang maikumpara ang mga nakasama niya dati kay Liza. At nang mahingan siya ng reaksiyon tungkol dito, “First of all lahat sila super bait, they are all sweet when it comes to work. Wala kang maririnig sa kanila. they go at it, at yun ang gusto ko sa babae. Siyempre, ayoko ng maarte so kapag nakikita mo okay din pero its more on the off the screen relationship. Kasi kapag on the screen kapag nagkikita kayo, magkasama kayo sa trabaho, okay kayo pero after that kapag iba na yung schedules niyo medyo nawawala na. Yun lang siguro it’s up to both parties to keep the relationship good and strong and kapag naging sobrang okay then I think that a good thing.” 

Pagdating sa buhay pag-ibig, sinabi ni Enrique na wala muna siyang panahon lalo pa at inaabangan ang kanilang serye ni Liza. Ngunit ang hirit niya nang matanong tungkol dito, “Wala pa, yun lang wala pa. So siguro baka pwede segue sa work. Joke lang.”

Aminado si Enrique na malaki ang kanyang crush sa dalagang katambal. “Sobrang bait at sobrang cute niya kasi.” Sa nararamdaman niyang ito, paano niya ba napapanatiling propesyunal ang namamagitan sa kanilang dalawa lalo pa at inamin nitong kinikilig siya kay Liza, “Ewan ko, siguro ano lang… we want to enjoy the moment din kasi, kaming dalawa when we are working but we have to enjoy the moment kasi it’s also hard to keep on enjoying, siyempre the work on hand kailangan maganda yung movie, kailangan yun muna ang number one goal namin saka yung show namin, serye and when that becomes good siyempre the rest, lahat magiging okay na sa amin. Imbes na nage-enjoy ka at the moment, ang iniisip ko yung long run at least if we do it good, magkakasama din kami in the long run.” 

At ang rason kung bakit ayaw niya din muna makipagkilala o makipagkita ng interes sa ibang mga babae, “Well, not naman to see other girls pero respeto lang. If she [Liza] is young, then wait.”