• Home
  • Fresh Scoops
  • 2013 Miss International Bea Rose Santiago, frustrated beauty queen

2013 Miss International Bea Rose Santiago, frustrated beauty queen

Bea says she will do more charity works after her reign.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/10/2014 1:55 PM
2013 Miss International Bea Rose Santiago, frustrated beauty queen


101014-bea_main.jpgAalis sa October 25 papuntang Tokyo, Japan ang reigning pinay 2013 Miss International na si Bea Rose Santiago para ipasa ang kanyang korona na mapapanood sa coronation night nito sa November 11. Aminado si Bea Rose na malaki ang nagawa ng korona at title na Miss International sa kanya kayat hindi siya magpapahinga at magsisimula ng kanyang advocacy matapos ang kanyang reign

“No rest for me I’m trying to improve more on charity work and I want to focus on that kasi medyo hindi ako… this reign ko hindi ako pinayagan gumawa ng sarili kong charity so im gonna focus on that, I’m working for becoming an ambassador for a charity group from Canada and its based on unemployment disabilities its very close to my heart my mom and my family went thru that sa Canada”

Naging honest din si Bea sa pagtatapat sa atin na frustrated siya sa maraming bagay bilang Miss International 2013, marami siyang gustong gawin particular na ang charity work na hindi siya pinayagan ng pageant organizers

“I'm very, very frustrated. I want to do more but I couldn’t medyo well for me lets see being a beauty queen mas mahirap iyung after the reign, titingnan natin syempre ang dami naming this year na nanalo so gusto ko mag trabaho after my reign”

Sa personal niyang buhay, happy si Bea Rose sa kanyang two years na boyfriend, ang model at businessman na si Mark Nash, pero wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

“No my God I’m 24 years old hindi pa pwede, I'm happy that at a young age I found someone who is very much supportive, minsan kasi sa isang beauty queen mahirap maghanap ng 100% supportive sa lahat ng ginagawa mo so I’m very lucky to have someone with me.”

Kung papatapos na ang career ni Bea bilang beauty queen, hands on naman siya sa pagtuturo sa latest na pambato ng Pilipinas sa 2014 Miss International na si Mary Anne Bianca Guidotti na doble preassure ang nararamdaman ngayon na muli maibalik sa bansa ang korona. Dito nagbigay ng tip si Bea na nag work para sa kanya noon.

“Dapat niyang gawin is calm herself down isulat niya ang lahat ng dapat niyang gawin first of all iyung speech kasi iyun ang pinag hugutan ko talaga at siguro ang 90% ng pagsa psych ko sa sarili ko dapat memorize dapat tapos ko ang speech nasa puso kailangan ako mismo ang nagsulat para pag sinabi mo mapapansin nila na hindi siya bola bola lang”

Si Bea Rose Santiago ang ika limang pinay na nakakuha ng Miss International title. Nauna na ditto sina 1964 Gemma Teresa Cruz; 1970 Aurora Pijuan; 1979 Mimilanie Marquez at 2005 Precious Lara Quigaman.