• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga says she is giving her all in her upcoming concert

Toni Gonzaga says she is giving her all in her upcoming concert

Toni Gonzaga says she is very hands-on with the preparations of her upcoming major concert.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/1/2014 10:27 AM
Toni Gonzaga says she is giving her all in her upcoming concert


100114-toni_main.jpgSa October 3 na ang inaabangang concert ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena. At sa panayam ng Push kay Toni, ibinahagi nito ang matinding preparasyon kanyang ginagawa para sa selebrasyon ng kanyang labinlimang taon sa show business. “Grabe, grabe ang preparation. We started summer pa, meetings and non-stop collaborations. Lahat ng list of songs, yung set of songs, yung guests, lahat talaga kasi we want to come up with a show na medyo iba naman yung concept that they will really enjoy. I just want the audience and my supporters to really have a good time dun sa 15th anniversary ko. Parang I want to include all of them.”

Dagdag pa ni Toni sa mga paghahandang kanyang ginagawa, “I am studying five to six dances, ganyan. Actually it’s not just going to be me who is dancing, we are encouraging also the crowd because may participation din sila especially that this concert is very different kasi meron kaming mga mosh pit, mga party animals kami na include.”

Aminado si Toni na ito ang pinakamahirap at pinakapinaghandaang niyang concert at ibinigay niya ang dahilan niya dito. “Oo, pinaka-challenging, pinaka-exciting, pinaka-nilulook forward ko. Para kung ito man ang huling concert ko at least naibigay kong lahat. Parang feeling ko ito na yung pinakahuling concert ko kaya binigay ko na ang lahat.”

Sa napakalaking preparasyong ito, ibinhagi din ni Toni ang mga bagay na nagpapa-excite sa kanya sa sinasabing pinakamalaking concert niya. “Na mapulloff naming lahat with the visuals, with the technicals, the dances, the prod numbers, the surprise numbers and towards the finale exciting yun kasi rave, rave lahat.”

Ibinahagi din ni Toni na very hands-on talaga siya sa mga preparasyon sa kanyang concert na kahit mga maliliit na detalye ay kanya ding pinapansin. “This time mas iba na yung pagka-hands-on ko, mas sobrang pakialamera na sa lahat ultimo blowers, confetti, ultimo colors, lahat. Ganun pala yun when you are so excited about something you want to present something really nice to your audience. Talagang bawat detalye, paghahandaan at pagagandahin niyo because they deserve the best. Kasi alam ko naman na mahirap ang buhay ngayon, hindi biro yung mga manonood natin na gagastos ng tickets so I just really want to give the best show that they deserve in celebration of my 15 years.”

Sa laki ng inaasahan ng kanyang mga manonood at tagasuporta sa kanyang paparating na concert, tinanong ng Push si Toni kung mas excited ba siya o mas pressured na maggawa ang lahat ng inaasahan at mahigitan ang kanyang mga nakaraang concert. “More than anything I am really excited kasi I don’t do concerts every year, I do it every three years, every two years so we see to it na talagang pinaghahandaan ganyan, pinagaganda naming yung mga prods ganyan and this time we are not really doing so much yung mga songs that you hear on ASAP every Sunday, this is something. Well they will be familiar with some of the songs but this is something new, mash-ups, iniba yung areglo so may inihahain talaga kaming bago. I am really excited kasi everyone is excited and involved and our aim is really to put up a good show which they will enjoy and also meron kaming panwagan sa mga manonood.”