• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce admits feeling worried as soon as ‘Be Careful With My Heart’ ends

Jerome Ponce admits feeling worried as soon as ‘Be Careful With My Heart’ ends

Jerome Ponce reveals he has a few worries about his career after ‘Be Careful With My Heart’ ends

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/1/2014 10:24 AM
Jerome Ponce admits feeling worried as soon as ‘Be Careful With My Heart’ ends


100114-jerome_main.jpgMatapos nga ang mahigit dalawang taon ay magwawakas na ang Be Careful With My Heart. Malaki din ang naihatid na pagbabago ng teleserye hindi lang sa mga manonood nito kungdi maging sa mga gumaganap sa nasabing serye. Isa rito ay si Jerome Ponce na nakilala bilang si “Luke” na panganay na anak ni Ser Chief.

Sa ekslusibong panayam ng Push kay Jerome, hindi niya maitagong malungkot na magtatapos na ang programa. “Well, para sa akin nung nalaman ko… sana man lang nagkaroon man lang ng kahit na once a week… taping kami. Kahit isang beses lang kami sa isang linggo umere para masabi na yung bonding namin nandun pa rin. Kaya sobrang nalungkot ako pero wala e. Sila din ang nagsabi na huwag kaming malungkot dahil pwede naman kaming maging masaya para yung mga taong sumusuporta sa amin maging masaya lalo na hanggang coming ending eh alam naming maraming malulungkot. So kami mismo magpapakasaya para lang sa kanila na din para malaman niyong lahat na ginawa namin po ang lahat ng iyon para sa inyo.”

Ngunit sa pagtatapos ng serye, sinabi ni Jerome na may inihanda pa sila para sa mga tagasuporta ng programa. “Sabi nga po ni Papa Chen (Richard Yap) at Ate Jodi (Jodi Sta.Maria), all good things come to an end pero yun nga, heto nga, we are going to end, it’s good and sobrang good. Abangan niyo po ito at paghahandaan pa po naming ng sobra sobra ito yung mga in between takes on cam off cams kung ano po kami, abangan niyo po yun.”

Inamin ni Jerome na nagulat siya nang sinabing magtatapos na ang kanilang programa. “Yeah nabigla kami, nagkaroon kami ng meeting at nung sinabi nila yun tumahimik lang kami hanggang sa tinanggap na lang naming kasi totoo nga, matagal na namin pinag-iisipan yun na kailangan talaga na magtapos na pero kailangan din namin maging matatag para yung mga tao sa likod namin maging matatag din.

Aminado din si Jerome na may pag-aalala din siyang nararamdaman ngayong patapos na ang serye, kung ano ang mangyayari sa kanya at kung ano ang mga susunod niyang gagawing mga proyekto. “Well for me, for me, dahil baguhan po ako, first time ko itong mararamdaman so talagang takot po ako. Sa ngayon may mga pinanghahawakan po ako like ito po may nakuha po akong role na hindi ko pa alam kung anong unit o same unit ba. Pero yun nga, may nakuha po akong role pero ayoko pong lumabas sa akin yung sureness na nakuha ko talaga yung role sa teleserye pero gusto ko pong manggaling na lang sa management.” 

Anu’t anuman, isa ang bagay na sinisiguro ni Jerome, na mag-aral at mas pagbutihin pa ang kanyang karera. “For the future, I need to study… kailangan ko din makihalubilo sa mga hindi ko nakasama ng dalawang taon mahigit. Pangatlo siyempre kailangan ko din mag-workshop kasi mahal ko na yung trabaho, mahal na mahal ko na talaga yung trabaho at kailangan kong pag-aralan kasi wala namang perpekto sa trabaho, pag-aaralan at pag-aaralan mo yan at didiskubrihin ko pa yung mga kaya kong gawin.”