• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo stars in a new teleserye with veteran actors and admits feeling pressured about the new project.

Bea Alonzo headlines new teleserye 'Sana Bukas Pa Ang Kahapon'

Bea Alonzo stars in a new teleserye with veteran actors and admits feeling pressured about the new project.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/10/2014 07:29 AM
Bea Alonzo headlines new teleserye 'Sana Bukas Pa Ang Kahapon'
011014-Bea_Main.jpgSa ginanap na press conference nung January 9, ipinakilala si Bea Alonzo at ang mga makakasama niya sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Ilan sa mga makakasama niya dito ay sina Iza Calzado, Paulo Avelino, Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Anita Linda, Ronaldo Valdez at Susan Roces. “Very, very happy. Siyempre kinakabahan pero siyempre kung walang kaba hindi masaya ang life ‘di ba? Kung lagi ka lang kalmado.”

Aminado si Bea na malaki ang nararamdamang kaba niya sa bagong proyektong ito. “Ay! Diyosko kung alam mo lang. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko pumasok ka kaya sa loob ko. Sobra akong pressured. Pressured ako kasi first time ko sila makakasama lahat, halos lahat. Si Tita Anita lang at Tito Ron lang ang nakatrabaho ko before pero siyempre more than the pressure mas yung excitement ang nangingibabaw kasi it’s not everyday na nabibigyan ka ng pagkakataon to work with these people na halos ikaw pa yung anchor ng show. As much as pressured ako, mas nangingibabaw yung excitement.”

Ibinahagi din ni Bea ang kanyang naging bakasyon nitong Bagong Taon sa London at Sa scotland. Aniya, “Tinodo ko talaga kasi mahirap itong taping na ito kasi alam ko na pagbalik ko work agad.” Pinili niyang sa dalawang bansang ito lamang magtungo kasama ang boyfriend na si Zanjoe Marudo dahil, “Ayaw kasi namin na ang dami niyong maleta tapos from one country to another stressed kayo. Gusto namin yung relaxed lang, yung nasasavor niyo yung culture ng bawat country. I have been to London a few times before pero first time ko lang siya nalibot ng ganito pero baka nga bumalik kami ng holiday 2014 with my family na.” Naikwento niya rin ang naging pagkikita nila ni Kris Aquino sa London, “Nag-High Tea kami, very British, nagchikahan. Kinogratulate ko siya sa napakalakas na movie niya ngayon na My Little Bossings, and yun, nagkwentuhan lang about life, about 2014.”

At ngayong bagong taon hindi pa rin natutuldukan ang nalalapit na pagpapakasal nila diumano ni Zanjoe, ngunit kanyang muling dineny ang isyu. “Ang lakas talaga makatanda noh? Hindi, hindi kami magpapakasal at wala pang nangyayaring proposal. Hindi pa namin masyadong napag-uusapan yan.”

Ngunit umaasa si Bea na si Zanjoe na talaga ang kanyang makakatuluyan, “Bakit naman ako magsta-stay sa isang relasyon kung hindi ako umaasa na siya na di ba? Para naman akong nagaaksaya ng oras lang. I want it to be him, gusto ko siya na pero hindi pa ngayon. Ang dami pa naming gustong mangyari sa buhay namin.” Dagdag pa ng aktres, “I hope he is the one. I am hoping he is the one. Para sa akin sana nga he is the one.”