• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo looks back on 2013 and says this year she will focus on more personal pursuits.

Eugene Domingo opens up about what she is looking forward to in 2014

Eugene Domingo looks back on 2013 and says this year she will focus on more personal pursuits.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/09/2014 07:50 AM
Eugene Domingo opens up about what she is looking forward to in 2014
010914-Eugene_Main.jpgMaraming nakapansin sa laki ng ipinayat ni Eugene Domingo lalo pa at very visible siya noong nakaraang 39th Metro Manila Film Festival para sa pelikula niyang Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel. At sa kung papaano niya naggawa ang lahat ng ito, “Oo nga, siyempre ano, matagal na pagclecleansing, ang pagpapapayat naman hindi minamadali so this is really hard work and patience.”

Naging napakaganda ng taong 2013 para sa aktres, maliban sa kabi-kabilang awards na kanyang nakuha, iba’t ibang klase din ng pelikula ang kanyang mga naggawa at mga bagong endorsements. Kaya naman ibinhagi niya ang ilan sa mga hindi niya makakalimutang mga pangyayari sa nakaraang taon. “From 2013, I am very happy that I have fulfilled my promise. I said in the beginning that I am going to make movies with your favorite stars and Kimmy Dora is a promise to Spring Films, to Piolo Pascual that yung Kimmy Dora maipalabas sa MMFF at naipatupad ko naman.”

Kaya naman ngayong bagong taon, mas pagtutuunan ng atensyon ni Eugene ang kanyang sarili. Aniya, “Looking forward to learning new things, 2014 is all about myself. Barbara Stales is going to be shown… so that is like are introduction of myself as an actress.”

Lalo na sa taong ito, mas itutuon niya ang sarili sa pag-ibig, at may gagawing ilang mga pagbabago para maisakatuparan ito. “Especially the love life, love life. Siguro mas gagawin kong accessible yung sarili ko, mas friendly, mas sociable, sabi nila dapat ganun.” Hindi na rin particular si Eugene sa kung sino man ang dumating sa kanya, “Sa ngayon hindi na ako namimili basta may mga mata, ilong, mga bibig, nagsasalita, okay naman na.

Masaya si Eugene sa kinalabasan ng kabuuan ng MMFF ngayong taon lalu pa’t patapos na ito at kahit na taun-taon ay hindi na nawawala ang kontrobersya dito. “Well of course kasi ito lang yung chance na walang Hollywood films na kakumpetensiya sa ating mga sinehan and I am very happy na gumaganda ang qualities ng ating mga movies like I saw 10,000 Hours and I think it is a very decent film and of course I like our own, Kimmy Dora. Nagawa niyang itaas nga level ng comedy at sci-fi.”

At sa mga patuloy pa rin na nagtatanong kung masusundan ang pangatlong installment ng pelikulang Kimmy Dora na siyang nagluklok kay Eugene at nagpakilala sa kanya bilang bidang aktres sa mainstream market, ang kanyang sagot dito, “I said that this will be the third and the last and I always fulfill my promise. Siguro kung magkakaroon man we’ll venture out into comics or books or maybe a stage play pero sa movies last na.”