• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee opens up his heart for love this year and hopes that he will find his special someone.

Enchong Dee is ready for love in 2014

Enchong Dee opens up his heart for love this year and hopes that he will find his special someone.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/08/2014 08:52 AM
Enchong Dee is ready for love in 2014
010814-Enchong_Main.jpgKamakailan sa Push.com.ph, ibinahagi ni Enchong Dee ang naging London tour nila ng ilang Star Magic Artists noong nakaraang taon na naging daan din para magkita sila ni Dominique Cojuangco, na anak ni Gretchen Barretto. Ipinasyal siya nito sa ilang lugar sa London kung saan nag-aaral ang dalaga. Aminado si Enchong na naging magandang daan yun para mas maging matalik silang magkaibigan. “Oo, so ngayon ano na parang barkada na na matagal nang hindi nagkita so kwentuhan ng kwentuhan. Ang tagal ganyan kasi from hapon to gabi kami magkasama.”

Marami tuloy ang nagtatanong kung may plano ba siyang ligawan si Dominique lalo pa at nagiging malapit sila ngayon sa isa’t isa. “Friends lang. I am just happy na like six months ago we were total strangers from each other and now may addition na ako as friend. Ayaw ko bahiran ang ganung mga bagay kasi I am happy that we are friends.”

Ngunit aminado si Enchong na magkaibigan man sila ngayon hindi niya ibinabalewala ang posibilidad na mahulog ng loob sa isa’t isa. Aniya, “We will just see what happens. I am single, she is single. But wala akong sinasabi at the moment sabi ko nga friends yun lang.”

Aminado din si Enchong na malaking bagay na malapit siya sa ina ni Dominique na si Gretchen. “Yeah she knows me so well. Nagkatrabaho kami so alam niya kung sino talaga si Enchong so wala na, hindi ko kailangan iexplain o ipakita o maglagay ng best foot forward para lang makilala niya.”
 
Medyo matagal na ring walang napabalitang bagong pag-ibig si Enchong kaya naman ngayong taong ito sa tanong na kung handa ba siya at bukas ba ang kanyang puso na umibig, “I am hoping, hoping na something will pop out.” Dagdag pa niya, “For this year, definitely! We’ll see sana meron.” 

At kung naghahanap ba siya o naghihintay para dito, ang agad niyang naging sagot, “Both!”