Ai-Ai de las Alas believes that this year is going to be a happy year because of all the things she'd gone through in the past year, saying that she is going nowhere but up.
Sa pamamaalam ni
Ai-Ai de las Alas sa kanyang yumaong ina na si Gregoria de las Alas, ibinahagi
ni Ai-Ai ang kanyang saloobin ekslusibo sa Push.com.ph. Ayon kay Ai-Ai, kung
magkakaroon lamang siya ng pagkakataon ay sana mas makapiling niya ng mas
matagal ang kanyang ina. “Sana nakasama ko siya more kasi nung nakasama ko siya
may Alzheimer na siya kasi hindi naman ako lumaki sa kanya at adopted ako. Sana
mas na-enjoy ko pa siya kasi in-enjoy ko siya nung nandun siya sa amin kahit
may Alzheimer’s na siya, yung ka-cute-an niya na parang bata na kasi e, hindi
niya na kami kakilala. So yun yung mamimiss ko sa kanya.”
Sinariwa din ni
Ai-Ai ang hindi niya malilimutan sa kanyang ina. “She always cries kapag
nakikita niya ako. Siguro yung pakiramadam niya na hindi ko nakasama yung anak
kong ito, so umiiyak siya tuwing nakikita niya ako sa TV sa personal pero
nakikita ko sa mata niya kung paano niya ako kamahal.”
Sa pinagdaanang
ito ni Ai-Ai, hindi siya iniwan ng panganay na anak na si Sancho. Kahit sa mga
nauna pang pagsubok na pinagdaanan ni Ai-Ai, tulad na lang ng pinagdaanan niya
sa kanyang buhay pag-ibig, hindi ito iniwan ng anak. At aminado si Ai-Ai na
hindi niya kakayanin ang lahat ng pinagdaanan niya kung wala sa kanyang tabi
ang anak pero sa nangyaring ito, si Ai-Ai pa mismo ang nanunukso sa anak, “Siya
yung inaalaska ko, kasi sabi ko sobrang close ni Sancho sa akin e. ‘Anak’, sabi
ko, ‘kapag namatay ako huwag ka naman mamatay kasabay ko ha.’ Sabi niya, ‘Ma
siguro.’Sabi niya, nakakatawa, ‘Siguro sa eulogy mo yun ang pinakapangit na
iyak ko sa buhay ko.’ Kasi parati kong sinasabi, ‘Anak pwede kang mag-artista
ang ganda mo umiyak,’ sabi ko, lalaki kasi, ang ganda umiyak, amazing. Saka may
mga taong maganda umiyak yung hindi nagugusot ang mukha. Sabi niya this time,
‘Ma, kapag ikaw ang nawala kukusutin ko na yung mukha ko ng bonggang-bongga.’”
Ibinahagi ni Ai-Ai
na ang dalawa pang anak na nasa America ngayon, lalo na ang babae niyang anak
na si Sophia, ay ang pinakaapektado sa nangyari dahil na rin nakikita niya ang ina
na sobrang lungkot. Ibinahagi ni Ai-Ai na bukas siya sa kanyang mga anak na
pag-usapan ang ganitong klaseng mga bagay ngunit pinipili na lang ng mga anak
na huwag na lang. “E kasi lahat naman tayo dun ang punta. Worried ako kay
Sancho kasi close siya sa akin kaya hindi ko alam kung paano niya iha-handle.
Sana makita niya kung paano ko hina-handle ito para may kopyahan siya.”
Sa maraming
masasakit na bagay na nangyari kay Ai-Ai noong nakaraang taon, positibo ang
pananaw ni Ai-Ai na kahit nasimulan ang taong ito sa pagkamatay ng kanyang ina.
“Siyempre I need to move on. Sabi ko nga quota na ako sa pain ng nung 2013,
lahat naman tayo. Wala naman tayong minsan, ups and downs naman ang buhay e.
Iikot lang yan so kapag rock bottom ka wala ka namang tendency kungdi umangat
e. So alam ko ngayong 2014 happy ako.”
Ibinahagi din ni
Ai-Ai ang kanyang natutunan sa lahat ng nangyaring ito sa kanyang buhay lalo na
sa pagkamatay ng kanyang ina. “Kahit ano pang sabihin niyo, kahit nakasama niyo
ang nanay mo, iisa lang ang nanay. Hindi ko alam kung bakit ganun ang
nararamdaman ko, yung may pain talaga sa loob na kasi half of you, ang father
din naman half of you pero dito kasi dito ka galing, dito ka kumain, di ba nga
kahit pusod niyo magkarugtong so iba yung pain talaga. Kaya kung sino man diyan
na buhay pa ang Nanay o may sakit bigyan niyo ng time. Iba yung kahit papaano
yung makakasama niyo pa rin sila ng matagal.”