• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino confesses that she and Vic Sotto were both scared about how people would accept the movie.

Kris Aquino talks about why there won't be a 'My Little Bossings' sequel

Kris Aquino confesses that she and Vic Sotto were both scared about how people would accept the movie.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/04/2014 07:46 PM
Kris Aquino talks about why there won't be a 'My Little Bossings' sequel
010514-Kris_Main.jpgSa lakas sa box office ng pelikulang My Little Bossings kung saan producer at parte ng cast si Kris Aquino, nagpasasalamat ito sa napakalaking suporta na natanggap ng kanilang pelikula na ang unang pelikula ng kanyang bunso na si Bimby. “Thank you sa lahat ng nanonood, gumagastos ng pera nila at sumusuporta dun sa dalawang bata. Pinag-uusapan namin ni Vic (Sotto) na ang ganitong pangyayari happens only once in a lifetime. And thank you for our two kids na binigay niyo itong napakagandang Pasko sa kanila. Maraming, maraming salamat po.”

Ibinahagi ni Kris na sa unang araw pa lang ng pelikula ay agad-agad silang bumiyahe sa Manaoag at nagpasalamat. “Alam mo napa-drive kami ng six hours to go to Manaoag para lang makapagpasalamat ako. Kasi yung sa totoo lang ha, pinagdasal ko, to be honest, 30M (30 million) kasi yun yung kinita ni Vic with Bong (Revilla) last year and nagkaaminan kami ni Vic kanina na, ‘Ayoko lang mapahiya sa iyo na yung pagpartner mo sa akin hindi man mapantayan yung nangyari sa iyo last year.’”

Ikwinento din ni Kris na may inamin din sa kanya si Vic patungkol sa kanilang pelikulang at maging kay Ryzza Mae. “Tapos sinabi ni Vic pwede na akong umamin, takot din ako na baka yung maliit natutuwa lang yung tao pero hindi gagastos para panoorin tapos hindi talaga namin inaasahan na as of today, 2 pm pa lang nabawi na namin yung pinuhunan namin so tinatanong namin sa amin dalawa kung nagexpect nagpakatotoo kami na hindi. Alam namin na matindi yung kakumpetensiya pero siyempre yung ano talaga, Christmas is for children and this is a once in a lifetime partnership.”

Kaya naman sa pelikulang may hawak ng titulong Highest grossing Filipino film based on opening day earnings, natanong ang Queen of All Media kung may balak ba silang gawan ito ng sequel. May pinagtapat si Kris tungkol dito. “Wala pa kasi yung akin kasi nag-aaral at ayoko kasi ma-accuse later on. Alam niyo naman kasi na hindi kami medyo okay nung tatay (James Yap) baka kasi maano, masabi na napabayaan yung pag-aaral e yun naman ang responsibilidad ko bilang nanay. Pero proud ako kasi prinomise ko sa kanya yun na kung ano yung pinuhunan at ano yung kinita trust fund niya yun. Maraming salamat for ensuring the future of my son.” 

Kaya naman ngayong Bagong Taon ang regalo nina Kris sa kanyang mga anak at ang kanila na ding planong mag-iina sa parating na 2014. “Paalis po kami… pangako ko sa dalawang anak ko ito, London. Maswerte lang na meron kaming mga friends dun. Si Bea (Alonzo) at si Zanjoe (Marudo) nandun so magkikita-kita kami pero nakabook na ako ng limang play kasi yun yung kaligayahan namin manood ng theater so yun ready kasi para iwas-intriga muna kasi napapabalita yung pagrerenew at yung mga ano, so magmumuni-muni muna.”