• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla and Kathryn Bernardo hope that fans will still continue to support them in 2014.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo believe that 2013 was their year

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo hope that fans will still continue to support them in 2014.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/04/2014 01:09 AM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo believe that 2013 was their year
010414-kathniel_main.jpgSa pagpasok ng bagong taon, hindi maiiwasang mapansin ang naging magandang takbo ng karera nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa taong 2013. Kaya namang ngayong papatapos na ang taong ito, itinuturing na isang magandang regalo nina Kathryn at Daniel ang pagkakatanghal sa kanilang Metro Manila Film Fest entry na Pagpag bilang Highest Grossing Filipino Horror movie of all time. At sa higpit ng kumpetisyon, sa kasalukuyan ay nasa pangatlo ito sa ranking ng Metro Manila Development Association o MMDA na siyang nagtatala ng box-office returns ng mga pelikulang kalahok sa festival.

Kaya naman napakalaki ng pasasalamat ng dalawang bida sa laki ng suporta na kanilang nakuha sa pelikula. “Grabe nagulat ako at masasabi ko talaga na 2013 ang best year para sa amin ni DJ so maganda siya para i-end yung year at maraming salamat po sa lahat ng sumuporta.” Para kay Daniel, hangad lang niya na magtuloy-tuloy lang ang suporta ng kanilang mga tagahanga hindi lang sa kanilang pelikula kung ‘di sa kanilang mga proyekto lalo na sa darating na taon. “Basta happy lang kami at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at sana magtuloy-tuloy lang ngayong 2014.”

Ngayong nasa ikatlong pwesto ang kanilang horror movie na Pagpag, natanong kay Daniel kung nais pa ba nitong malagay sa unang pwesto ang pelikula nila. Ang naging pag-amin ni Daniel tungkol dito, “Okay na, kung ano ang ibigay sa amin happy na kami. Wala na kaming ine-expect basta ano na lang ang maibigay sa amin.”

Maraming naghihintay sa kung ano ba ang aabangan sa kanila ng kanilang mga tagahanga para sa 2014. Isa sa mga sinabi ni Kathryn na dapat abangan sa kanilang tambalan ay ang kanilang Primetime serye na Got To Believe. “Siguro kailangan nilang abangan ang Season 2 ng Got To Believe. Marami pa ang mangyayari and of course at marami pang plano for 2014 so hintay lang sila.