• Home
  • Fresh Scoops
  • Empress admits feeling pressured portraying Iza Calzado in 'Maalaala Mo Kaya' but she is grateful to Iza for letting her give life to her story.

Empress plays Iza Calzado in 'Maalaala Mo Kaya'

Empress admits feeling pressured portraying Iza Calzado in 'Maalaala Mo Kaya' but she is grateful to Iza for letting her give life to her story.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/28/2014 07:46 AM
Empress plays Iza Calzado in 'Maalaala Mo Kaya'
012814-Empress_Main.jpgSa February 1 episode ng Maalala Mo Kaya gagampanan ni Empress ang isang bahagi ng buhay ng actress at host na si Iza Calzado. Eksklusibong binisita ng Push.com.ph ang aktres sa set ng Maalaala Mo Kaya at dito ibinahagi niya na napaka-swerte niya at nagpapasalamat siya na napili siyang gumanap bilang si Iza.

“I feel really blessed and for me this is a big deal for me. Minsan lang sa mga artista na artista ka pero ang pinoportray mo na role ay buhay ng isang artista so napaka-rare na dumating yun. I feel really blessed and thankful, thankful ako kay Ate Iza kasi pumayag siya na ako ang gumanap sa life story niya. So happy naman ako and challenging talaga ito for me kasi minsan lang din naman yung ganitong may mga fat suit, yung talagang total makeover so I am so happy that I am able to do this.”

Nagbahagi din si Empress kung ano ang mapapanood sa kanyang naging pagganap. “Well, ito yung story ni Ate Iza Calzado nung bata pa siya kung saan siya nagstruggle yun nga from payat hanggang sa tumaba siya. They call it stress-eating, maraming maraming mga struggles and problems ang pagdadaanan ni Ate Iza, yun yung isa sa mga reasons kung bakit siya naging ganito at saka may konting istorya din about her family at may kasamang love life din. Ang daming aabangan at ma-iinspire din sila. Kailangan nilang abangan kung paano na-overcome ni Ate Iza lahat ng problema niya at paano niya hinandle. Maiinspire siya sa story niya kung paano nila hinandle.” 

Nang bisitahin ng Push si Empress ay naka-fat suit pa ito at kitang-kita na masaya siya sa nabigay sa kanyang pagkakataong gamapanan ang buhay ng aktres. “Yung pagsuot ng suit actually three hours ginagawa ito, itong nilalagay and everything. Kailangan ng pasensiya talaga pero since I like doing this, sobrang hindi ako masyadong nahihirapan at ineenjoy ko lajg siya at fini-feel ko na 220 lbs talaga ako.”

Aminado din si Empress na malaking pressure sa kanya ang gampanan si Iza Calzado. Aniya, “Actually malaki yung pressure kasi number one Ate Iza, life story niya ito and number two, this is MMK.” Kwento pa ng aktres, binisita sila ni Iza at nagpaabot ng suporta sa kabuuan ng bumubuo ng programa lalo na sa kanya. “Ang daming mga pumapasok sa akin in mind pero si Ate Iza bumisita sa amin the other time and she was really nice, parang ano lang, ‘Oh, good luck ha.’ She didn't say anything na oh kailangan magaling ka dito, puro puri lang saka sabi niya just enjoy so I felt secured na, ‘Aww… ang sweet.’ Imbes na mapressure ako, imbes na ipressure niya ako hindi, kinomfort niya pa ako na, ‘Okay lang yan, kaya mo yan!’ So na-happy din lang naman ako dun.” 

Pagkakataon na rin upang kamustahin si Empress dahil matapos ang kanyang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala kung saan nakasama niya ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos at naging katambal si Joseph Marco, marami na rin ang nag-aabang sa susunod na proyekto ng aktres. “Well, aside from MMK may mga naririnig ako pero wala pang final. Ayun, ano lang, nagprepreprepare lang for everything kung ano yung darating for me.”

Napag-usapan na rin ang katambal niyang si Joseph Marco, kinamusta namin siya sa estado nilang dalawa. “Wala lang, hindi na kami love team.” Ngunit sinabi naman nitong may komunikasyon pa rin silang dalawa, “Of course, of course we are friends.”