• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo explains her side of the 'sleeping' picture with Daniel Padilla.

EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo finally speaks up on 'sleeping' picture with Daniel Padilla

Kathryn Bernardo explains her side of the 'sleeping' picture with Daniel Padilla.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/24/2014 08:53 AM
EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo finally speaks up on 'sleeping' picture with Daniel Padilla
012414-Kathryn_Main.jpgMula sa kanilang teleseryeng Got To Believe na halos trending sa mga social media sites gabi-gabi hanggang sa kanilang Metro Manila Film Fest entry Pagpag: Siyam na Buhay, hindi na talaga matatawaran ang kasikatan ni Kathryn Bernardo lalo na ng tambalan nila ni Daniel Padillla. Kaya naman sa lahat ng ito hindi na talaga maitago pa ni Kathryn ang ligaya sa lahat ng kanyang natatanggap. “Sobrang grabe, masaya talaga… hindi namin in-expect na ganito siya. Sobrang saya talaga and very overwhelming, basta masaya.” 

Kaya naman kung may naiisip na ba siyang regalo para sa kanyang sarili sa lahat ng trabaho na kanyang ginawa at ang pagod niya dito, “Iniisip ko pa kung ano ang gusto kong iregalo ko sa sarili ko. It’s either travel lang naman yan or maybe shoes para mas lalo akong mag-strive harder kasi kailangan mo ng reward minsan.”

Ibinigay na ni Daniel ang kanyang panig sa kumalat sa mga social media sites na “sleeping picture” nila ni Kathryn na magkahawak ang kamay. Hindi man gaanong nagsalita si Daniel tungkol dito, nakapanayam ekslusibo ng Push.com.ph si Kathryn tungkol dito para linawin ang isyu. Ayon sa teen star, “Yeah oo nga, naging big issue ba yun? Kasi may sakit kami nun, yung day after na umalis kami for Singapore, Friday ata yun kung hindi ako nagkakamali. Kasi kaming lahat kapag binigyan kami ng time na matulog, bibigyan kami ng time nina Direk kasi uminom na ako ng gamot, nag-vomit na ako. Ganyan talagang nagkasakit kami ni DJ nakatulog kami. Siguro kinuhanan lang kami ni Direk Cathy (Garcia-Molina) kasi nacu-cute-an siya sa pose namin na same pose kami at magkahawak kami ng kamay so pinicture-an lang niya, wala lang, for fun lang.”

Marami din ang umaasang sadya talagang ganun matulog ang dalawa lalo pa kapag magkasama sa mga shows at tapings na agad namang bingyang linaw din ng aktres. “Hindi naman, dun lang ata talaga. Unconsciously lang yun, hindi naman laging ganun and hindi naman kami madalas matulog kapag taping, dun lang talaga.”

Marami din ang nagsasabi, lalo na sa mga kumento ng mga online users at viewers na ang kanilang ‘sleeping’ picture ay isa nang kumpirmasyon ng tunay na relasyon ng dalawa na agad ding itinanggi ni Kathryn. “Wala, wala, hindi, hindi. Basta yung iba diyan si DJ na lang tanungin niyo pangit ata kung ako ang sasagot.”