• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban admits being nervous but says that she will deliver what is needed and what is expected from her.

Angelica Panganiban admits she's nervous about the love scenes in her new movie

Angelica Panganiban admits being nervous but says that she will deliver what is needed and what is expected from her.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/25/2014 12:05 AM
Angelica Panganiban admits she's nervous about the love scenes in her new movie
Babalik na sa paggawa ng mainstream movie ni Angelica Panganiban matapos mamahinga noong nakaraang taon. Pinili ni Angelica na gumawa ng indie film kung saan nanalo din siya as Best Actress sa Cinema One Originals.

012514-ANgelica_main.jpgMakakatamabal niya sa unang pagkakataon si Gerald Anderson sa isang mature drama love story. Aminado si Angelica na pinag-isipan niya ang pagtanggap sa bago niyang proyektong ito. “To be honest siyempre kailangan mo naman pag-isipan talaga lahat ng project. Hindi naman pwedeng kapag sinabi sa iyo okay na, okay ka na agad ‘di ba? Siyempre marami ka dapat iconsider na ano, ‘Paano ko ito gagawin?’ ‘Nagawa ko na ba ito?’ ‘Nakita na ba nila ako na ganito?’ Ibang-iba talaga siya sa mga nagawa na naming pelikula lalo na sa akin.”

Kakaibang pressure din ba ang nararamdaman niya? “Never din naman kasi ako naging ganun. May goal ako sa bawat project na ginagawa. Ang gusto ko lang naman ay maibigay ko ang hinihingi at majustify ko yung pelikula, yung ako, yung character ko pero hindi ko din naman ginogoal na dito ito na ‘yun, na ang pelikulang ito ang pasabog ng taon. Hindi naman pwede ang ganun pero siyempre gusto mo best lagi yung naibibigay mo sa maliit man o malaking project na nabibigay sa iyo.” 

Kinumpirma din ng direktor na si Ruel Bayani ang mga maiinit na eksenang gagawin nina Angelica at Gerald. Hindi ba magiging problema ito lalo pa at pareho silang nasa relasyon ng kanyang leading man, siya sa boyfriend na si John Lloyd Cruz at si Gerald naman kay Maja Salvador. Inamin naman ni Angelica na may kaba siyang nararamdaman. “Once na ganung maging ka-close sa ibang tao di ba, laging may kaba yun lalo na I am sure kapag babae ka pero iba din kasi kapag kasi kakilala mo at kumportable ka dun sa taong yun. Kami naman ni Gerald kasi kaibigan ko si Maja, sila kaibigan nila si Lloydie so mas makakadagdag yun ng pagiging kumportable ko and once naman na nasa character ka, iba naman na yun, ibang usapan na yun.”