• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson says that you can't please everyone and that he will just do his best to convince people that he deserves the role in 'Dyesebel.'

Gerald Anderson speaks up about mixed reactions to his role in 'Dyesebel'

Gerald Anderson says that you can't please everyone and that he will just do his best to convince people that he deserves the role in 'Dyesebel.'

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/23/2014 08:18 AM
Gerald Anderson speaks up about mixed reactions to his role in 'Dyesebel'
012314-Gerald_Main.jpgTila maganda ang pasok ng bagong taon kay Gerald Anderson. Kabilang siya sa inaantabayang teleserye na Dyesebel bilang si Fredo at leading man din siya ni Angelica Panganiban sa isa sa mga bagong pelikula ng Star Cinema. “Sobrang overwhelming. Pagpasok pa lang ng taon may mga project nang gagawin, may mga bagong challenges, may mga bagong roles na gagamapanan so I am very excited sa mga fans at audience. Part ako sa dalawang napakagandang projects, wala na akong mahihingi kay God na for 2014 ang ganda ng simula.

Ngunit sa kanyang pagkakabilang sa cast ng Dyesebel, iba-iba ang naging reaksiyon ng mga tao lalo na sa social media. Maraming natuwa sa muling pagbabalik sa telebisyon ni Gerald lalo pa at unang pagtatambal nila ito ni Anne Curtis, ngunit marami din ang hindi kumbinsido at kinukwestiyon ang pagkakapili sa kanya bilang ang lalaking pinakamamahal ng karakter ni Dyesebel. “Alam mo ganun talaga, kahit anong gagawin mo, which makes it more exciting talaga. May mga ayaw. Kahit ayaw nila, may manonood talaga. Ako as an actor gagawin ko lang yung best ko sana during the show mabago ko yung isip nila sana magustuhan nila yung character ko not just as Fredo, si Dyesebel o si Liro ‘di ba? So kaming mga artista gagawin namin ang best namin for this show.”

At isa sa mga dapat abangan din ay ang unang pagsabak sa pelikula ng tambalan nila ni Angelica sa direksyon ni Ruel Bayani. “I am very excited because its going to be a different kind of film. A quiet film, quiet but exciting. Yung first time ko din makakasama si Angelica and sabi nga ni Direk si Angelica wala siyang hindi kayang gawin and I have to learn from her. Ma-experience ko yung shooting and I am just very excited, last year pa ito e. Last year pa namin ito napag-uusapan so I am glad matutuloy na.” 

Ayon kay Gerald, kakaiba ang pelikulang ito dahil lumilihis na rin siya sa mga pelikulang nakasanayan ng mga manonood sa kanya. Tulad ng pelikula niya noong 2013 na OTJ na isang action-drama, ngayon naman ay isang adult, mature-drama film ang gagawin nila ni Angelica. “Actually yun yung maganda sa amin sa pelikula e, kasi hindi siya based sa chemistry ng dalawang bida, based siya sa story. Based siya sa kung paano namin gagawin, paano gagawin ni Direk, the writers. So like I said its going to be a quiet movie pero sobrang exciting kasi feeling ko ito yung first of its kind na movie na gagawin ng Star Cinema, ni Direk Ruel of course. Ito yung first time na magda-drama ako sa movie.” 

At kinumpirma ni Direk Ruel na mainit ang mga magiging love scenes nila dito ng kanyang leading lady kaya naman ang natatawang agad na sagot ni Gerald dito, “Hindi na ako kakain, kailangan nang mag-workout. Of course, these kinds of movies katulad ng sinabi ni Direk, is about passion, pagmamahal. I don’t know, ako nakagawa ng love scene for OTJ, it’s a different kind of love scene and for sure gagawin ni direk for sure malayo dun sa ginawa ko before so it is something to look forward to.”

At sa tanong na hindi ba ito makakaapekto sa relasyon nila ng girlfriend na si Maja Salvador, “Ako before, nagkaroon ako ng relationship and I was an actor so I am just doing my job. Kumbaga kinuha ako ng Star Cinema to do this role and I am just very blessed na pinili ako and I have a director who I am very comfortable with, and anew leading lady. Siyempre una pa rin yun para sa akin kasi trabaho po yun e and I have the convenience that the person I am in a relationship with is also an actor so nagkakaintindihan kami.”