• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto says she wants to have a concert in Araneta this 2014.

Angeline Quinto: 'Dream ko po talagang magkaroon ng sariling concert sa Araneta'

Angeline Quinto says she wants to have a concert in Araneta this 2014.

BY
Kristhoff Cagape

FRESH SCOOPS

01/23/2014 08:09 AM
Angeline Quinto: 'Dream ko po talagang magkaroon ng sariling concert sa Araneta'
012314-Angeline_Main.jpgIf there’s one major goal that Angeline Quinto wants to check off her bucket list this year, it would be having a concert at the Big Dome. “Ngayong 2014 po, dream ko po talagang magkaroon ng sariling concert sa Araneta. 2013 pa lang bago matapos ‘yung taon last year, pangarap ko na talaga magawa ngayong taon, so ‘yun talaga ang pinagdadasal ko at sana matupad,” she stated during the album launch of Higher Love.

Angeline said she is planning to have her concert after the construction of her new home. “Pagkatapos po ng bahay na pinapagawa ko don na po ako magco-concert ulit. 80% na po siya ngayon kasi ang plano po ay February 20 po ang blessing ng bahay kasi third year ko po sa showbiz sa February 20, ‘yun po ‘yung nanalo ako sa Star Power so gusto kasabay po,” she relayed.

The singer revealed that she is going to dedicate herself to music this year before doing movies and soaps. “Tungkol naman po sa teleserye o movie sa totoo lang po medyo nahihirapan po akong pagsabayin ang pagkanta at pag-arte at alam naman po nila ‘yun. So kung mabibigyan po ako ng chance, siguro gusto ko po talagang mag-focus muna sa music kasi nag-umpisa po akong mahalin ng mga tao sa paggawa ng teleserye theme songs so gusto ko pong makagawa pa ng mga teleserye theme songs na kakantahin ko para sa kanila,” she said.

On her new album Higher Love, Angeline remarked that she has sort of reinvented herself for this record and created new sounds for her listeners. “’Yung first and second album ko po kung mapapansin niyo kasi medyo lahat ng kanta don puro ballads, ‘yung second album ko kasi halos lahat ng ginamit sa theme song ng teleserye ng ABS-CBN. So nong pinaplano po namin tong Higher Love sabi ko po gusto ko po na may marinig sa akin na iba ‘yung mga tao kasi alam naman po natin na medyo hindi ako kumakanta ng mga upbeat songs so ‘yun,” she said.