• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla wants to put up his own production company and be able to produce for other artists as well.

Daniel Padilla plans to build his own production company

Daniel Padilla wants to put up his own production company and be able to produce for other artists as well.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/22/2014 08:24 AM
Daniel Padilla plans to build his own production company
012214-Daniel_Main.jpgSa victory party ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Pagpag: Siyam na Buhay, nakapanayam ng Push.com.ph si Daniel Padilla tungkol sa patuloy na tagumpay niya sa kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Hindi ba mas tumaas na rin ang expectations ni Daniel sa sarili? “Hindi ko laging mapapromise na blockbuster pero tuwing gagawa tayo ng palabas ibibigay natin ang lahat. Yun lang at dasal lang siguro bago i-show.”

Natanong din namin si Daniel kung may regalo na siya sa sarili dahil sa lahat ng tagumpay at pagod niya. “Merong regalo sa akin pero nasa bag na ng nanay ko kaya wala na naman akong regalo.” Pero para kay Daniel ang nais niya lamang ay makapagpahinga. “Wala naman, ako naman basta ang pinakamabibigay lang na regalo sa akin pahinga lang, sa bahay lang ako, relax lang tapos malakad ko lang yung mga gusto kong malakad na lugar masaya na ako.”

Kung kadalasan ang ibang mga artista ay pagbiyahe sa ibang bansa ang regalo sa sarili, ang nais lamang ni Daniel ay, “Hindi ako masyadong ma-travel ngayon e mas iniisip ko… mas okay na ako sa bahay saka gusto ko din mapuntahan yung pinapagawang bahay, yung mga ganun-ganun.” Ngunit nang sabihin ng Push na nais ni Kathryn na bumiyahe bilang regalo sa kanyang sarili at kung sasamahan niya ba ang ka-love team, “Kung isasama nila ako bakit hindi.”

Kamakailan ay bumiyhe siya kasama si Kathryn at iba pang cast at crew ng kanilang hit serye na Got To Believe sa Singapore at kinamusta ng Push ang kanilang naging shoot doon. “Masaya, masaya. At hindi lang kami artista dun, crew din kami dun eh. Parang masaya kasi nagtutulungan kami lahat, nakikita yung pagiging team namin dun. Si Direk Cathy (Garcia-Molina) napakasarap kasama so masaya dun.” Ngunit wala silang naging pagkakataon na makapamasyal lalo na ni Kathryn. Aniya, “Hindi e, puro trabaho pero yung mga location naman namin medyo naikot naman namin… so okay na rin yun.

Maliban sa kanilang Got To Believe sa Singapore na inaabangan ng lahat, isa din sa kanyang pino-promote ang pelikula nilang Padilla Family na Sa Ngalan ng Ama, Ina at Anak na tila iba sa mga nakasanayang nakikitang ginagawa ni Daniel dahil dito ay nalinya siya sa action film. Kaya naman ang reaksiyon ni Daniel dito, “Pwede naman lahat. Hindi naman pwedeng kailangan magsettle sa isa. Saka bata pa ako marami pa akong pwedeng gawin na characters so try-try lang. Ito naman hindi siya full na action, may comedy pa ito, may comedy, drama so masaya siya kasi lahat nagawa dun.”

Masaya siyang makatrabaho ang kanyang amang si Rommel Padilla, ang kanyang Tito Robin, Tito Royette, mga kapatid at pinsan kaya naman kung ito na ang huling magiging Padilla movie, “Hindi pa kasi susunod ako sa paggawa ng production nun e.” At kinumpirma nga ni Daniel na may plano siyang gumawa ng sarili niyang produksiyon. Aniya, “Hindi pa ngayon pero yun din gagawin ko… Oo pero kapag 20 na 21 na. Kasi gusto ko din, mahilig kasi akong makinig sa istorya, sumulat kasama yung mga tao, mag-suggest-suggest at magbatuhan ng ideas so gusto ko din gumawa ng palabas na hindi rin ako yung artista din. Gusto ko producer lang din ako at nandun lang ako para mag-suggest.”