• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual says he is content with his life right now and wants to repay for his blessings by helping out victims of Typhoon Yolanda

Piolo Pascual reacts to news of Paulo Avelino and KC Concepcion dating

Piolo Pascual says he is content with his life right now and wants to repay for his blessings by helping out victims of Typhoon Yolanda

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/02/2014 10:45 AM
Piolo Pascual reacts to news of Paulo Avelino and KC Concepcion dating
010214-Piolo_Main.jpgIsa si Piolo Pacual sa mga artistang patuloy pa rin ang pag-abot ng tulong at pag-isip ng ibang paraan para mas makatulong pa sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda. Sa pamamagitan ng kanyang Hebreo Foundation, gumagawa at nagpa-plano pa sila ng mga mas pangmatagalang tulong para sa mga nasalanta. “Yes, with the foundation that we have, my family and I are working hand in hand to do something sustainable at hindi immediate lang kasi marami pa rin namang nagpapadala ng mga aid at tulong. So what we’re going to do is go there, check some barangays, check out some communities and build houses for them.” Dagdag pa niya, “Ang spirit of Christmas ngayon is all about helping people, it’s not all about ourselves but trying to share what we have, pour blessings sa mga kababayan natin.” 

Ibinahagi din ni Piolo ang ilan sa kanyang mga nailatag ng mga gagawin para sa mga biktima ng bagyo. “Build houses, livelihood. Pero ang immediate na need talaga nila matirahan so we are talking with some groups already through the foundation. There are people who have been sending money from the States sa foundation. Some of my fans have already sent 5,000 dollars, 1,000 ganun. Everything goes to the foundation and we want to use that money para hindi lang immediate need kung ‘di para lang mabigyan ng kabuhayan ang mga kababayan natin.

Masasabing tila maayos ang lahat ng aspeto sa buhay ni Piolo. Mula sa kanyang mga social responsibilities, maging sa magandang takbo ng kanyang karera at maayos na personal na buhay, wala nang mahihiling pa si Piolo. Kaya naman ang lahat ng ito ay ginagawan niya ng paraan para maibalik sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanya. “We cannot complain, we cannot complain. I am very fulfilled with all the things that are happening, with all the blessings I am given. I can never be more thankful, I am so humbled by it, I am so grateful. Patapos na yung pelikula namin ni Toni (Gonzaga), we are shooting almost everyday.”

Wala na ngang makakapigil pa kay Piolo sa dami ng kanyang nais na gawin, mula sa pagtulong sa kanyang mga kababayan hanggang sa kanyang trabaho. Kaya naman kung pag-aasawa na lang ba ang makakapigil sa kanya. “You know there are things that are inevitable I guess, yung mga pag-aasawa lahat naman yan mangyayari, hindi natin kailangan na ipilit na yun ang gusto mo ngayon. I still have a son to attend to and I promised him to spend more time with him before he is 18 so gusto ko pa rin tuparin yung pangako ko sa kanya na yun.”

Ngayong Pasko ay nasa cruise ang buong pamilya ni Piolo maliban sa kanyang anak na hindi makakasama. “No, he is only given a couple of days of vacation for Christmas so nag-aaral pa rin e. He is only here every summer, so sa summer na lang ulit.”

Sa pagkakaugnay ni Piolo kay Shaina Magdayao, natanong din ang aktor kung nagkakilala na ba ang kanyang anak at si Shaina na tipid man ang sagot, kinumpirma naman ni Piolo, “Oo naman.”

Naging usap-usapan ang naging pag-amin ni Paulo Avelino na nagde-date sila ni KC Concepcion na dating kasintahan ni Piolo. Sa dami ng nangyari sa pagitan nila, marami ang nais malaman ang reaksiyon ni Piolo sa balitang ito. Ngumiti lamang siya at sabay bigkas ng “Okay” at itinawa na lamang ang tanong.